SINING: Huwag niyo Akong Limutin

Makukulay na larawan ang bubungad,
Mga larawang nagbibigay ng sigla,
Sa bawat guhit ay may natatagong mensahe,
Mensahe na sana alam mo.
Ngunit kumusta na ang mga obra sa ating bayan,


Maituturing pa ba nating buhay?
Gayong bulag na tayo sa teknolohiya,
Hindi na natin maalala kung sino o ano ang mga akdang nagbukas sa ating kamalayan.
Bulag ka na sa mga obrang naging ilaw sa ating kadiliman,


Ang mga obra ng mga tanyag na pintor,
Nasaan na nga ba?
Mananatili na ba itong patay?
O baka naman sadyang pinatay mo na.
Kasi mas pinahahalagahan mo na ang mobile legends.
Mas kilala mo pa nga hero sa tanyag na larong iyon.


Mas itinuturing mo pang bayani ang karakter sa mobile legends,
Kaysa sa mga taong nagbuhos ng talino at tyaga maipinta lamang ang isang Rice Planting Art ni Fernando Amorsolo.
Kilala mo pa ba kung sino ang may obra ng UP OBLATION?


Marahil hindi na,
Kasi mas pinahahalagahan mo ang magmythic bago mag-end season sa Mobile Legends.
Maigi pa iyan nabibigyan mo ng halaga.
Samantalang ang mga Obrang nariyan lamang at nag-iintay na pahalagahan mo.

Hindi mo magawa.
Sulyapan mo naman kahit saglit.
Alalahanin ang bawat pintang minsang nagbigay ng kulay sa ating bayan.
Mga pintang sana ay ating pinahahalagahan.
Ang mga pintang nagbigay kulay sa malamlam mong buhay.


Mga pintang naging daan upang makilala ang ating bayan,
Pintang nagbigay ng buhay upang kultura natin ay manatiling buhay.
Sapagkat ang pagkakakilanlan ng isang bayan ay yaong mga pintang naging simbolo upang makipaglaban at manatiling maging matatag sa bawat sigalot na tinatahak.
Ang mga pintang nagiging tatak na ng bayan.
Mahalin at ipagmalaki.
Sapagkat ito ang pagkakakilanlan mo.


#NaghihingalongSining
#TradisyunalVsModerno

2 Comments

  1. SnowHearT says:

    Wala pong anuman šŸ’—šŸ’—šŸ’—

    Like

  2. ang ganda! salamat sa suporta šŸ™‚

    Liked by 1 person

Leave a Comment

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.