
Huwag kang matakot umibig
Mabigo ka man ng ilang beses sa pag-ibig
Lagi mong bubuksan
ang tarangkahan ng iyong puso.
Hayaang papasukin ang taong banayad
na kumakatok sa iyong puso.
Pagkat ang mithiin nito ay dalisay
Papatunayang pag-ibig niya sayo ay tunay
Huwag mag-alinlangan
Pagkat ikaw ay kaniyang aalagaan
Mga magandang alaala ang iguguhit
Para pusong sugatan ay maghilom ng pilit
Dadamhin ang samyo ng kasiyahan
Pagkat umusbong ang tunay na pagmamahalan
Hindi sa lahat ng oras ay kaligayahan
May mga sigalot na pag-uusapan
Para higit na mapagtibay ang pagmamahalan
Ng dalawang taong nagmamahalan
ⓒSnow Heart
Salamat po Ginoo ❤️😊
LikeLike
ang galing!
LikeLiked by 1 person
Patuloy na kakatha ng Tagalog para sayo 😆
LikeLiked by 1 person
Aliw na aliw talaga ako sa tagalog mo..😊
LikeLiked by 1 person
Ako’y nagagalak at iyong naiibigan ang kathang ito ☺️ maraming salamat 💗💗💗 po
LikeLiked by 1 person
This leaves me breathless..
LikeLiked by 1 person