It is all about words. Your words are enough to shatter someone's heart. Your words are enough to make a broken heart unbroken. Words have the power to change your life perspectives.
Dapithapon
Sa aking pag-iisa Ikaw ang aking hanap Tinatanaw kita sa malayo Umaasa na masumpungan kita
Sa pagsapit ng dilim Kasabay ng lungkot Kusang umaagos mga luha Pinapaalala bawat sandali
Mga kahapong tayo ay maligaya Kahapong puno ng pag-asa At mga pangarap natin Na sabay nating tinupad
Ngunit dumadating tayo Kung saan ang tayo Ay mawala nalang At magiging ikaw at ako
Sa dapithapon ay ako nalang Malungkot ngunit kailangan Para ako’y maging matatag Pagkat ako’y iniwan mo na.
Yumao ka na kapiling ng Maylikha Sa iyong paglisan Sambit mo mga katagang Ikaw pa rin sa huli.
Ang dapithapon ay dumating na Lagi kitang naaalala sa tuwina Hinahanap ng aking mga mata At maging ng aking puso.
Hanggang sa muli ng ating buhay Tayo ay magkikitang muli At muling magkakapiling Hanggang sa dulo nang walang hanggan!
Salamat po 💗
LikeLiked by 1 person
Ang galing naman…so heartfelt and warm..pero masakit ha..😊
LikeLiked by 2 people
Sunset lang po ba talaga ang naalala niyo?
LikeLike
nai-imagine ko yung sunset doon sa Cebu
LikeLiked by 3 people