Posted in Poetry, Tagalog

Kahapon | Ngayon | Bukas

KAHAPON…
Sa tingin ko’y tila pawang kalumbayan
ang inihahandog ng lahat ng bagay,
pati ng mabangong mga bulaklakan
ay putos ng luksa at pugad ng panglaw;
akala ko tuloy itong Daigdigan
ay isang maliit na libingan lamang.
Mangyari, Kahapon
ang dulot mo’y lason.
NGAYON…
Sa mga mata ko ay pawang ligaya
ang inihahandog ng bawa’t makita,
pati ng libingang malayo’t ulila
wari’y halamanang pugad ng ginhawa;
sa aking akala’y tila maliit pa
itong Daigdigan sa aking panata.
Papaano, Ngayo’y
nagwagi ang layon.
BUKAS…
Sino baga kaya ang makatatatanggap
ng magiging guhit nitong ating palad?
Ang buhay ng tao ay lunday sa dagat
na inaamihan at hinahabagat;
itong Daigdigan ay isang palanas
na nabibinhian ng lungkot at galak.
Bukas! Ang pag-asa’y
mahirap mataya…

2 thoughts on “Kahapon | Ngayon | Bukas

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.