Posted in Poetry, Tagalog

Pinagtagpo ngunit di Tinadhana




Humiling ako sa Maylikha
na huwag ka nang lumisan
Ngunit pakiwari ko’y
di ako pinakinggan.

Bagkus, Ikaw ay lumisan pa rin.
Ako’y lubos na nagdamdam,
Ngunit anong magagawa ko
Ikaw na ang nagtuldok.

Tinuldukan mo na ating ugnayan
Hindi na ako mahalaga sa'yo
Iniwan mo ako sa gitna ng karimlan.

Di mawari iyong dahilan.
At pagmamakaawa ko’y isinantabi mo
Buo ang iyong desisyon na ako’y iwan
sa gitna ng gubat na masukal.

Iniwan mo ako sa gitna ng laban
na walang sandata.
Ang pighati at galit
ang tanging naging sandata ko.

Para kamuhian ka!
at hilingin sa Maylikha
na huwag nang magkrus ang ating landas.

Habang nasa gitna ng gubat 
napagtanto kong pinagtagpo lang tayo.
Ngunit di tinadhana.

Ako'y magpapatuloy sa aking paglalakbay
na hindi ikaw ang kasama at kasabay
Magiging matatag para sa sarili
at ipapakita sa'yo ang tapang na taglay ko.
na kaya ko kahit wala ka.

Maliwanag na sa akin na tayo 
ay pinagtagpo ngunit di tinadhana

14 thoughts on “Pinagtagpo ngunit di Tinadhana

  1. Talagang malupit na bagay ang paghihiwalay: ang isa na iniwan ay talagang “iniwan sa gitna ng laban na walang sandata. Ang pighati at galit ang tanging sandata” niya.
    Ito ang dahilan kung bakit naniniwala ako na mas mabuti mag-invest ng panahon at lakas para pasulungin ang isang relasyon imbes na tumakas

    Liked by 2 people

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.