Tutuyuin ko ang Iyong mga Luha

Tutuyuin ko ang iyong mga luha
na sanhi ng sakit na iyong nararamdaman
kahit na alam kong siya ang dahilan
ng iyong pagtangis
saksi ako kung paano mo siyang minahal
saksi ako sa mga ginagawa mo
para sa kanya
mapatunayan mo lang ang pagmamahal
mo sa kanya na iniaalay mo
Bulag ba siya at di ka niya makita

O di kaya marahil,
malayo ang kanyang tanaw
at di ka niya pansin sa kanyang balintataw

Gayunpaman,,,
Ikaw ay di sumusuko
kumakapit sa katiting na pag-asa
na ikaw ay mapapansin niya

Akong laging narito sayo
laging nasa tabi mo
Kailan mo kaya ako mapapansin
Kailan mo mapapansin ang aking pagtangis
na ikaw ang dahilan
dahil siya ang mahal mo
dahil mga mata mo ay sa kanya napako
dahil patuloy kang umaasa sa kanya

Kailan mo tutuyuin ang aking mga luha
kailan mo bibitawan ang katiting
na pag-asa para sa kanya
at lingunin nalang ako
hawakan ang aking mga kamay
magpatuloy sa ating mga buhay
na tayo ang magkasama

Umaasa akong makita mo
ang halaga ko sayo
Nang sa gayon ay mapakawalan mo
ang lahat ng sakit na dinaranas mo
matukoy mo ang kahulugan ko sayo
Huwag mo sanang hayaan na na mapagod ako
at kusang umalis sa mga tabi mo
upang iwan ka at hayaan ka nalang.

Kung nasasaktan ka higit akong nasasaktan.
Hiling kong makita mo iyon
at buksan ang pintuan sa’yong puso
Hayaan mo sanang pakinggan
aking mahinahon na katok
at ako’y iyong papasukin
Upang mga luha mo’y aking tutuyuin.

36 Comments

  1. HAHAHA parang bata eh no.

    Liked by 1 person

  2. SnowHearT says:

    Nagsumbong sa Nanay 😂😂😂

    Liked by 1 person

  3. Mom, she’s making me cry. 🥰❤️

    Liked by 1 person

  4. ositajuliet says:

    oh okay
    i get it now

    Liked by 1 person

  5. SnowHearT says:

    awe, sorry 😐 juliet, it is a Tagalog language of Philippines.

    Like

  6. ositajuliet says:

    don’t get the it, what language is this please
    i couldn’t understand a thing

    Liked by 1 person

  7. SnowHearT says:

    Napakahusay naman Ginoo.
    Hats off to you!!!

    Nabulid man kaming pareho
    sa sakit na dulot
    ng mapanlinlang na nararamdaman

    Umaasa ako sa kidlat ng liwanag
    na parehas kaming makakaahon
    sa kumunoy na dulot ng sakit

    Ito’y yugto ng buhay
    na dapat harapin at magpatianod
    sa adya ng kapalaran

    👍👍👍

    Like

  8. Jan Paul says:

    Duda ako sa iyong mga sinasabi
    Dahil kahit anong gawin mo ay hindi ka niya mapapansin.
    Sapagkat lubog din siya sa kabiguan.
    Nalulunod sa sariling niyang nakaraan.

    Ngunit sang-ayon naman ako kahit papano.
    Dahil kahit iba ang inyong puno’t dulo ay mayroon kayong pagkakapareho.
    Sabay kayong nalulunod habang hinihingi ang tulong ng isa’t isa.
    Parehas kayong nasa ilalim ng magkaibang lawa.
    Anyong tubig na na kayo mismo ang may gawa.

    Haha di nasend

    Liked by 2 people

  9. michnavs says:

    I can feel this….ahh ansakit ha..

    Liked by 1 person

  10. SnowHearT says:

    Nayswan naman 🤣🤣🤣

    Handa akong magpakalunod
    Mapatunayan lang pag-irog ko
    Baka sakaling pagnalunod ako
    Tulungan niya akong iahon

    🤣🤣🤣

    Liked by 1 person

  11. SnowHearT says:

    Salamat po 😊

    Liked by 1 person

  12. Jan Paul says:

    Hahaha.😂 Malulunod ka lang naman kung mananatili ka sa ibaba. Kung hindi mo tutulunan ang sarili mo na makaahon. Sad.😂😂

    Liked by 1 person

  13. cbholganza says:

    ipagdarasal ko. dadating din yan, malapit na.

    Liked by 1 person

  14. SnowHearT says:

    Opo,,,sana

    Liked by 1 person

  15. cbholganza says:

    Konting tiyaga, konting tiis. Ansabi nga, pag me tyaga, may nilaga.
    Kasi pag napatunayan mo naman, anlaki ng premyo mo!

    Liked by 1 person

  16. SnowHearT says:

    Ang hirap po pala,
    Ang daming sakit,
    Ang daming luha
    Para lang mapatunayan

    Liked by 1 person

  17. SnowHearT says:

    Naku po, baka malunod na po tayo niyan.

    Liked by 1 person

  18. cbholganza says:

    ganyan talaga pag tunay na nagmamahal. mapagbigay, pasensyoso, kayang magpakumbaba at magsakripisyo.

    Liked by 1 person

  19. SnowHearT says:

    Yup,,,Salamat po 😊

    Like

  20. Jan Paul says:

    Hahahaha isang timba patak ng luha

    Liked by 1 person

  21. Jan Paul says:

    Kaw gumawa?? Nice🥰🤩

    Liked by 1 person

  22. SnowHearT says:

    Salamat Jan Paul 👍❤️ takes patience para magawa ko iyan.

    Liked by 1 person

  23. SnowHearT says:

    Natawa naman ako sa nadehydrate na

    Liked by 1 person

  24. Jan Paul says:

    Sana all may taga tuyo hahaha. Yung iba nadehydrate na wala parin pumapansin😂

    Liked by 2 people

  25. Jan Paul says:

    Yes yes maganda nga logo mo. It’s elegant👌🔥

    Liked by 1 person

  26. SnowHearT says:

    Thank you Lia ♥️♥️♥️

    Oh!!! I have to update my WP thank you for noticing me.

    Liked by 1 person

  27. Lia says:

    Yes it is dear SnowHeart. 🤗 I used Google Translate to read this one and really it is beautiful. By the way I am now seeing your posts (and those of two other bloggers that I follow which had the same problem) in my feed!! Happy that WP glitch seems to be fixed now, for some at least. :))) Hugs xoxoxo 💛🌻

    Liked by 2 people

  28. SnowHearT says:

    Thank you 😊 Lia
    It is our way of expressing our emotions through poetry.

    ❤️❤️❤️

    Liked by 1 person

  29. SnowHearT says:

    Maraming Salamat po 💗🤗

    Like

  30. SnowHearT says:

    Awe,,, thank you Lia ♥️♥️♥️

    Liked by 1 person

  31. Lia says:

    p.s. I just noticed you have a new logo!! It is beautiful. ;)) 💘😍🤗

    Liked by 2 people

  32. Lia says:

    So lovely. The heart is free, and there is beauty in love’s poetry. 💛

    Liked by 2 people

  33. maganda ang mga bagsak ng bawat salita. ramdam ko ang emosyon. Salamat sa pagbahagi nito…

    Liked by 3 people

  34. SnowHearT says:

    Salamat po 😊

    Liked by 1 person

Leave a Comment

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.