Pagtangis ko’y
gaya ng tubig sa ilog
rumaragasa at di mapigilan
dahil sa iyong pamamaalam!
Pilitin ko mang
pigilin ngunit lalong masakit
impit ng aking pag-iyak
ay naghuhumiyaw at umalingawngaw
mga luha’y umagos nang tuluyan
Naaalala ko yaong
mga kalinga mong tunay
pag-aalaga mong sapat
at walang makakatumbas
kargahin ako sa iyong mga likod
tuwing malayo ang lalakarin
Inaako mo yaong mga kapilyuhan kong gawa
handa mong iharang iyong sarili
sa patpat ni Ina na parusa sa akin
mga luha ko’y iyong tinutuyo
tinuturuan mo akong bumangon
sa aking pagkakamali at pagkadapa
nagsilbing aking ilaw sa karimlang piit
Ikaw, ang aming pinuno
pagsapit ng gabi kami‘y iyong tinitipon
banig ay ilalatag sa munting veranda
gasera ay sisindihan at magsisilbing ilaw
matiyaga mo kaming tuturuan
sa mga takdang aralin
lahat kaming iyong kahiramang suklay
upang maunawaan bawat aralin
Inatang sa iyong gawain ni AMA at INA
wala akong narinig na kahit anong daing
dakila ka para sa akin maging sa kanila
walang maisumbat maging ang sinuman
pinaghuhusayan mong husay
makamit lamang ang bawat tagumpay
maparisan naming mga magkakapatid
Saan ka mang dako ngayon
hiling ko sana patuloy mo kaming gabayan
ituwid sa aming landas
at iilawan aming daraanan
upang kami’y di maparam sa aming tinatahak
nangungulila ako sayo aking kuya
nasa piling ka na ng Maylikha
kung saan ang dusa at sakit ay wala na
Mananatili ka sa aming alaala
ilang araw at mga taon man ang lilipas
nakaukit yaong mga alaala
na parang mga perlas kong ituring
alaalang aking pinanghahawakan
ang tangi nating larawan na di kukupas kailanman!!!
Hanggang sa muli ng ating pagkikita!!!

Bakit dalampasigan? Paboritong lugar namin iyan. Tumatakas pa kami tuwing tanghali pinapatulog kami tuwing tanghali pero nandiyan kami naglalangoy. Ang sarap lang maging bata ulit. Yung puro saya lang ninamnam bawat sandali, bawat laro. Kahit masakit mga palo ni Ina di naman mapapalitan ang mga sayang dulot habang naglalaro ka kasama ng mga kalaro mo. Tama na nga ito. Naiiyak lang ako ulit, totoo habang ginagawa ko ito luha ko’y di na mapigil.
Salamat Keshy ❤️
LikeLiked by 1 person
Mahusay 😀
LikeLiked by 1 person
Have a great day to you komal ♥️♥️♥️
LikeLiked by 1 person
Okay 😊👌… So magandang tanghali
LikeLiked by 2 people
It is Magandang Umaga for Good Morning
Magandang Tanghali for Good Afternoon
Magandang Gabi for Good Evening
👍👍👍👍
LikeLiked by 1 person
And tell me something about yourself?… Age…?.. Interests…?
LikeLiked by 1 person
So tell me how to greet in your language?
LikeLike
Namaste 🙏
LikeLiked by 1 person
And blessings from India 🇮🇳
LikeLiked by 1 person
Yeah dear 💕🥰
LikeLiked by 1 person
Love from Philippines 🇵🇭
LikeLiked by 1 person
Even we are far our words be connected and share thoughts to everyone.
LikeLiked by 1 person
Oh 😲… You are A filipino …. That’s amazing😍…. I am Indian 🇮🇳👳… Omg this is a lovely platform…. We can connect worldwide 😀
LikeLiked by 1 person
I know how to speak that language coz I am a Filipino. Born and raise here in Philippines.
LikeLiked by 1 person
How do u know it?
LikeLiked by 1 person
It is Tagalog, one of Philippines language
LikeLiked by 1 person
Which language is it?
LikeLiked by 1 person
Thank you ❤️
LikeLike
Very descriptive words. 🙂
LikeLiked by 1 person
ay anong sakit,
LikeLiked by 1 person
iiyak na nga lang
LikeLiked by 1 person
ala-ala’y bumabalik ngunit di na maibabalik
LikeLiked by 1 person
iyak lang natin 😭😭😭
LikeLiked by 1 person
Kapag iniluluha,
Lalo lamang nanariwa ang diwa ng kahapon.
😢😢😢
LikeLiked by 1 person
at hindi nga maubos kahit sa gabi-gabi ito tumutulo
LikeLike
tila iang mga luha ay nagtipon para lamang dito
LikeLike
wari ko’y basa na ang screen ng phone mo.
🤣🤣🤣🤣
LikeLiked by 1 person
Hihihi, may iluluha pa ba tayo???
LikeLiked by 1 person
I loveee ♥️♥️♥️ dami ko naalala. okay lang iiyak natin to
LikeLiked by 1 person
I am crying
like a water in a river
overflowing and out of control
from your farewell
-it from my own translation…thank you 🙂
LikeLike
Google translated it, but probably wrong… First paragraph…?
I’ll get rid of it
such as river water
rash and uncontrollable
for your farewell!
LikeLike
So sorry for your loss. I too lost a brother, I was 23, he was 19. I’m grateful for the years we had, but it is a long good-bye. X
LikeLiked by 1 person
Thank you hermionelaake ♥️♥️♥️ remembering his memories through pens. My way of expressing my sadness on my brother lost. 😢😢😢
😓😓😓
LikeLiked by 1 person
I’d love a translation.
LikeLiked by 2 people