It is all about words. Your words are enough to shatter someone's heart. Your words are enough to make a broken heart unbroken. Words have the power to change your life perspectives.
Bahay Kubo
Munti kong ituring ngunit hatid ay dalisay Sa pagnanais nang kapahingaan Kapara ng pag-ibig ko sa'yo Ikaw ang nagsisilbing pahinga ko
Ang kapagurang aking natatamasa Ay kusang naglalaho kapag ika'y nasisilayan Gaya ng munting bintanang parisukat Lundayan ng ating matamis na pagdudungawan
Sa ating bahay kubo tangan ay liwanag Na nagpapakulay sa ating pag-iibigan Hindi man tayo marangya sa materyal Pagmamahalan naman ay walang kapares.
Sigalot na ating nararanasan, Agarang napupuksa ng iyong kalinga, Mahal, wala kang kapara. Kaya hindi kita ipagpapalit.
Patuloy kitang mamahalin sa paraan ko, Kung saan lagi kang masaya, Ibig mo'y siya kong nais. Ang makapiling ka sa tuwina.
Ikaw ang tangi kong liwanag, Na aking pakakaingatan ko. Hindi ako mapaparam kailanman Sapagkat ikaw ang aking gabay.