Pananampalataya sa Pag-asa

Malungkot ang kapaligiran para bang nakiki-ayon ang panahon sa kalagayan ni Nita. Si Nita ay isang dalagang ina, masakit para sa kanya ang sinapit niya ngunit mas masakit para sa kanya na makitang ang kanyang anak ay nag-iisang inaayos ang sarili para pumasok sa paaralan. Pitong taong gulang pa lamang ang kanyang anak na si Joy. Maaasahan na ito sa loob ng bahay, responsableng bata si Joy inaalagaan niya ang kanyang ina sa abot ng kanyang makakaya. Si Nita ay matagal nang nakikipaglaban sa kanyang sakit, hindi siya makalakad at mahigit dalawang taon ng nakaratay sa banig. Minsan may pagkakataon na naiihi siya sa kanyang higaan, naaawa siya sa kanyang sarili nais na niyang wakasan ang buhay niya. Ngunit sa tuwing nakikita niya ang kanyang anak nagkakaroon ng kulay ang buhay ng kanyang buhay, nagkakaroon ng liwanag ang madilim niyang buhay.

            Isang araw na papasok si Joy sa paaralan, mag-isang inaayos niya ang kanyang sarili. Tumingin sa salamin at ngumiti sabay tingin sa ina at nagwika, “Ma maganda po ba ako?”, “Oo naman anak mana ka sa akin”, sabad ng ina sa anak. Bago pa man umalis si Joy ipinaghanda niya muna ng pagkain ang ikanyang ina  sa tabi ng higaan. May habilin pa ito sa ina, “Ma, ito na po pagkain niyo, kumain po kayo at inumin po ang gamut niyo, papasok nap o ako sa paaralan.”

            Mangiyak-ngiyak si Nita sa turan ng kanyang anak. Napakapalad niya bagamat maysakit siya  at puno ng kalbaryo ang buhay niya nanatili pa rin siyang matatag. Hindi isang sakit ang gugupo sa kanya para sumuko bagkus isa itong inspirasyon para lumaban at patunayang ang buhay ay puno ng pag-asa. Maraming nagmamahal kay Nita, mga pamilya, mga kaibigan, mga kamag-anak at lalo na ang kanyang nag-iisang anak na patuloy na ipinagdarasal ang kanyang paggaling.

            Patuloy na umaasa si Nita sa kanyang paggaling kahit na alam niyang imposible ngunit sa kanyang saloobin walang imposible sa Panginoon. Taimtim siyang nanalangin gabi-gabi na ihanda siya sa kanyang paglisan sa mundong ibabaw. At patuloy na gabayan ang kanyang anak at mahalin ng mga taong nakapaligid sa kanya. Madalas umiyak si Nita sa gabi ngunit sa umaga hindi mababakas ang pighati na kanyang dinaranas.

            Tila ba inspirasyon siya ng mga taong nasa paligid niya sa anumang pagsubok sa buhay ay manatiling matatag gaano man kalaking pader ang nakaharang sa dinaraanan. Huwag mag-alala dahil higit na malaki ang Panginoon sa mga problemang dumarating sa atin. Lahat ng mga nangyayari sa atin ay may dahilan. Huwag kang matakot harapin ang lahat ng ito bagkus harapin ito at lumakad ng may paniniwala sa Panginoon.

Advertisement

Leave a Comment

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.