Himig ng Puso


Mahal na mahal kita mga litanyang tumutugtog sa aking puso.
Na para bang musikang
Nais na ihimig sayo.
Sana’y pakinggan mo at pakaingatan mo sinta.
Puso ko’y tanging ikaw lamang ang isinisigaw ay nakikita.
Pakaingatan mo sana at sayo ko lamang ito ipagkakatiwala.

Hindi ako mag-aaksaya ng oras
Alam kong ikaw ay mahalaga sa akin
Hindi ako naghahanap ng pansamantalang kaligayahan,
Nais ko ng isang bagay na makabuluhan, isang bagay na pangmatagalan.
Kung hahawakan ko ang iyong mga kamay
Hindi ko bibitawan.

Dapithapon

Sa aking pag-iisa 
Ikaw ang aking hanap
Tinatanaw kita sa malayo
Umaasa na masumpungan kita

Sa pagsapit ng dilim
Kasabay ng lungkot
Kusang umaagos mga luha
Pinapaalala bawat sandali

Mga kahapong tayo ay maligaya
Kahapong puno ng pag-asa
At mga pangarap natin
Na sabay nating tinupad

Ngunit dumadating tayo
Kung saan ang tayo
Ay mawala nalang
At magiging ikaw at ako

Sa dapithapon ay ako nalang
Malungkot ngunit kailangan
Para ako’y maging matatag
Pagkat ako’y iniwan mo na.

Yumao ka na kapiling ng Maylikha
Sa iyong paglisan
Sambit mo mga katagang
Ikaw pa rin sa huli.

Ang dapithapon ay dumating na
Lagi kitang naaalala sa tuwina
Hinahanap ng aking mga mata
At maging ng aking puso.

Hanggang sa muli ng ating buhay
Tayo ay magkikitang muli
At muling magkakapiling
Hanggang sa dulo nang walang hanggan!

Nangungulila Sayo