Buhay ay Parang Hagdan

Ikaw? Nasubukan mo na bang umakyat ng hagdan, di ba nakakapagod? Akyat panaog ka para tunghayan ang buhay mo kung saan patutungo. Sa pag-akyat mo sa hagdan paitaas gaya ng buhay, sa itaas mo makikita mo ang liwanag ng kasiyahan at kaginhawaan. Samantalang kung baba ka naman naroon ang kadiliman na sigurado ako, na kahit ikaw mismo ay ayaw mong maranasan ang kalungkutan at kahirapan.

Dito sa mundong ibabaw hindi lahat ng bagay nakukuha mo nang mabilis o hindi mo pinaghihirapan. Kailangan mong mag-aral ng mabuti para makakuha ka ng mataas na marka o maipasa mo ang bawat asignatura. Kailangang magbanat ng buto, magtiis sa iyong boss lalo na sa mga katrabaho mong dinaig pa ang imbestigador sa pangingialam sa iyong buhay. Kung ikaw naman ay isang guro, kailangan mong magpuyat gabi-gabi para maghanda ng mga lektyur na tatalakayin sa klase. Hindi lang yan, kailangan mo ring pagtyagaan at habaan ang iyong pisi sa mga estudyante mong may tagalay na kakulitan at katamaran sa paggawa ng mga takdang-aralin,proyekto at portfolio. Ganyan ang buhay kailangan nang mahabang pasensya at pagtiyaga para isakutaparan ang iyong mga nais sa buhay. Mahirap man sa umpisa ngunit kalaunay masasanay ka rin at matutong makiayon sa saliw ng musika.

Kaya ikaw na habang estudyante ka pa eh tinatamad ka na, Aba! Mag-isip-isip ka na!!! Hindi sa lahat ng panahon kasama mo ang iyong mga magulang. Huwag kang masanay na laging nandiyan sila. Kasi dito sa mundo walang permanente lahat nagbabago at naglalaho. Kaya magsumikap para sa ikakabuti at ikakatupad ng mga minimithi mo sa buhay.

Huwag kang matakot na humakbang paitaas. Hindi mahirap ang humakbang paitaas bagamat nakakapagod kailangan mong paglabanan ang nakakapanghina ng loob sa iyong paghakbang. Isipin mo na lang sa pag-akyat mo sa hagdan paitaas naroon ang liwanag ng iyong pag-asa. Liwanag na siyang magiging ilaw mo sa madilim na kinasasadlakan ng kahapon. Kaya huwag kang titigil sap ag-akyat hanggang sa marating mo ang minimithi mo sa buhay. Tiyak ako na pagnaabot moa ng tugatog ng tagumpay walang hanggang pasasalamat ang iyong masasambit sa Poong Maykapal. Kaya kung ako sayo huwag mo nang hangarin pang pumaibaba. Naiisip mob a kung anong buhay ang naghihintay sayo sa ibaba? Naroon ang kalungkutan at pighati na ayaw mo nang balikan kaya humakbang ka paitaas at pagkatiwalaan ang Poong Maykapal.

Syempre kung ako ang iyong tatanungin, mas gugustuhin kong umakyat paitaas para isakatuparan ang aking pangarap at mga minimithi sa buhay lalo na sa aking pamilya. Nanaisin kong maghirap sa simula kung kapalit naman nito ay kaginhawaan ng buhay ng aking pamilya at ng aking sarili.

Ikaw? Saan ka patutungo?

Two Brothers

This is a story of two brothers;

  • One was a drug addict and drunker who frequently beat up his family.
  • The other one was a very successful businessman who was respected in a society and had a wonderful family.

Some people wanted to find out why two brothers from the same parents, brought up in the same environment, could be so different.

The first one asked, “How come you do what you do? You are a drug addict, a drunk, and you beat your family. What motivates you?”

He said, “My father,”

They asked, “What about your father?”

The reply was,

“My father was a drug addict, a drunk and he beat his family. What do you expect me to be? That is what I am.”

They went to the brother who was doing everything right and asked him same question.

“How come you are doing everything right? What is your source of motivation?”

And guess what he said?

“My father, when I was little, I used to see my dad drunk and doing all the wrong doing things. I made up my mind that is not I wanted to be.”

Moral of the story:

Both were deriving their strength and motivation from the same source, but one was using it positively and the other negatively. Negative motivation brings the desire to take the easier way which ends up being the tougher way. There are always options; one is right and the other is wrong, one is positive and the other is negative.

It is up to us what we think and choose.

AN: Since it is lockdown I went to my old notes 📝 then find this story on my notes. Wanna share it to you guys.

Simara Island | Ang Aking Nayon na Sinilanganan


Kamusmusan ay namulat
Sa reyalidad na salat
Payak ngunit masaya
Mahalaga bawat biyaya

Ang munti kong tinig
Sinisigaw munting ibig
Sa tuwina nais ay ligaya
Ngunit iba sa probinsya

Namulat sa buhay na payak
Kapaligiran ay malawak
Yaring gubat na tahimik
Kagilagilalas kapag sinaliksik

Mababakas ang taglay na kalinga
Nitong gubat na puno ng bunga
Pihadong ikaw ay mabubusog
At tiyak na lalagong malusog

Hindi matatawaran mga alaala
Na dulot ng kahapon ay nakatala
Hinubog upang maging matatag
Unos man ay dumating di matitibag

Pinong buhangin sa dalampasigan
Kakaibang dulot kapag tinitigan
Walang mababakas na pintas
Yari nito’y tunay na hiyas

Hindi maikukubli dulot ng sigwa
Ngunit matatag sa Diyos ang awa
Luntiang kabundukan nagsilbing
Kanlungan ng kanyang mga supling

Ito ang nayon kong sinilangan
Natatagong likas na yaman
Matatagpuan sa timog kanluran
Nayon na humubog sa aking kamusmusan




P.S.: Ito ang aking bayang sinilangan Corcuera,Romblon ( Simara Island ) ,sarap balik-balikan ang mga alaalang kayganda at nagpatatag sa pagkatao ko. Mga taong aking nakasalamuha upang magturo sa kagandahan ng buhay. Mga pagsubok na dapat hinaharap at natutong lumaban at umayon sa agos ng buhay. Namulat ako sa katotohanang ang reyalidad ng buhay ay sadyang mapagbiro na dapat mong paghandaan. Ito ang itinuro sa akin ng nayon na ito.

Reunited after 43 yrs.

Apat na dekada ang lumipas
umaapaw ang pananabik
sa pagkikitang muli.


Walang pagsidlan ang galak
mumunting tinig ay
kusang umalingawngaw.


Kasabay sa pag-alaala
ng nakaraan ang mga tawanan.


Luhang umalpas ay tanda
ng galak at pangungulila
sa isa’t isa.

-Reunited (After 43 years)

Mahigit na apatnapu’t tatlong taon silang di nagkita. Saksi ako kung paanong ang mga luha ay kusang kumawala sa kanilang mga mata. Saksi akong pilit nilang itinatago sa mga ngiti ang pananabik nila sa isa’t isa. Saksi ako kung paanong ang mga bisig nila ay kusang nagyakapan ng mahigpit hanggang sa maibsan ang kanilang pananabik sa isa’t isa. Ngunit alam kong hindi iyon sapat para maibsan.

Bawat yakap ay ninamnam, walang katapusan hanggang sa sila ay naupo sa isang silya na kanina pang nag-aantay sa kanila.

Bawat segundo ay mahalaga sa kanilang dalawa. Sa kanilang pagkikitang muli inaalala ang mga kahapong lumipas. Pinagkwentuhang muli ang mga nakalipas na bawat sandali. At maging ang mga pasakit na dinanas noon ay tinatawanan na nila ngayon. Napuno ang silid ng tawanan. Ang saya ng bawat sandali. Ang sarap pakinggan ng mga malulutong na halakhak. Tila ba isang musika na nonoot sa puso at nanamnamin ang ligayang dulot nito.

Kaysarap pagmasdan ang kanilang pagkikitang muli na aking nasaksihan. Hiling ko sana na hindi na ito matapos, na sana mas marami pa silang oras na gugulin para pagsaluhan ang mga panahong na nasayang noon. Sana may kapangyarihan akong pahabain pa ang bawat segundo at hayaan nalang sila sa kung ano sila ngayon. Masayang-masaya silang dalawa at ramdam ko iyon.

Ngunit bawat umpisa ay may katapusan. Dumating ang araw na ayaw ko sanang mangyari ngunit kailangan. Kailangang mamaalam sa isa’t isa para umuwi sa sariling mga buhay na tinadhana. Ito ang araw na ayaw kong masaksihan. Tiyak na ito’y magbibigay ng lungkot sa bawat isa.

Ang pamamaalam sa isa’t isa. Bagay na ayaw kong mangyari ngunit kailangan. Para ipagpatuloy ang buhay na inadya ng tadhana sa isa’t isa.

Ito ang sandali na ayaw kong masaksihan. Kasabay nito ay ang pagkadurog ng kanilang mga puso. Sa pag-aalalang, kailan ulit mangyayari ang pagkikita nilang muli. Sana may kapangyarihan akong patigilin ang sandali para magkaroon pa sila ng oras na namnamin ang oras na lumipas ng mahabang panahon.

Pamamaalam!

Kusang umibis ang mga luhang
kanina pang nagbabadya
sa piitang sinadya para ikubli
ang kirot ng pamamaalam.

😢😢😢

-Paghatid

Isa sa mga kaugalian nating mga Pilipino ay ihatid ang ating mga mahal sa buhay sa kanilang paroroonan at ihatid sa pamamagitan ng ating mga mata. Hindi tayo umaalis hanggang hindi sila nawawala sa ating paningin.

Dumating na ang sandali na kailangang mamaalam sa isa’t isa. Parehas na mamaalam. Para ipagpatuloy ang buhay na itinadhana sa kanila.

Nasaksihan ko ang bawat pagtangis na sanhi ng pamamaalam. Nasaksihan ko ang mga pangako nila sa isa’t isa na walang kasiguraduhan. Saksi ako kung paanong ang mga yakap nilang mahigpit ay pinagkaisang muli. Ang bawat bisig ay parang magnet na ayaw maghiwalay ngunit kailangan. At sa mga ngiti pilit ikinukubli ang bawat sakit ngunit mga mata ay di makapagsinungaling makikita at mararamdaman ang totoong nararamdaman nila sa isa’t isa.

Ang sakit ngunit kailangan. Umaasa ako na ang kanilang pangako sa isa’t isa ay matupad sa tamang panahon. Alam kong hindi na sapat ang panahon dahil nasa dapithapon na sila ng kanilang mga buhay. Pero umaasa ako at sa pagkakataong iyon sana lahat silang magkakapatid ay magkikitang muli bago sila mamaalam dito sa mundong ibabaw.

P.S: Ito ay kwento ng dalawang tyahin kong mahigit apatnapu’t tatlong taon silang di nagpangita. Nais ko lang ibahagi sa inyo ang kanilang kwento. Maraming salamat!

Ang kanilang kwento ay nagbigay sa akin ng pag-asa na bawat pangyayari at yugto sa buhay ay nangyayari sa tamang panahon at itinakdang oras. Hindi sila sumuko sa isa’t isa na sila ay magkikitang muli. Bagkus humuhugot sila ng lakas sa isa’t isa na sila ay magkikitang muli. Pinanghawakan ang kanilang mga pangako at umasa.

To my 1000 followers and fellow bloggers (Poets, Writers and etc…) !!!

Hello, good day to everyone!!!

I wanna expressed my heartfelt gratitude for empowering me to write and share thoughts here on WordPress. Although I always have a hesitation to continue my prowess in writing ✍️ and sharing stories, poem and poetry. I am not really good as everyone does. I am not that poetic nor I always write and from my hearts 💕. I can’t be the best I can if no one believes in me (myself am one to believe in what I had) and to everyone you (guys) thank for the encouraging words to improve my writings.

It’s really a big challenge to me to write because I am not that really good in English. And until now I have to improve and keep on learning English language so everyone can understand it. But I do believe that through our hearts, ourthoughts and words understand it.

Anyway guys, thank you for keeping on supporting on me through this life journey that I wanna be in my life. Sharing words!!! I am not a poet, but I can write from my heart.

Again thank you!

No words 😶 can express how lucky I am to meet new friends here.

God bless much love and more power !!!

God bless your heart !!!

I LOVE YOU all!!!

Mahal ko kayo ❤️❤️❤️

xxx❤️❤️❤️xxx

SnowHearT