Posted in Blog, Poetry, Quotes, Tagalog

Alaala



Mananatili ba akong isang alaala,
Na nakaukit sa iyong isapa’t
hindi mawawala?

O madali mo lang akong iwawaglit,
Na parang sa puso mo’y
kailanma’y hindi nakaukit?
Posted in Poetry, Tagalog

Pagsuko ay Walang Puwang



Para saan pa ang mga pangako
Kung ako mismo ay susuko
Sa relasyon nating dalawa
Susuko na ba talaga?

Pero sa tuwing maaalala ka
kung saan tayo nagsimula
Di ko kaya na ikaw ay mawala
Di ko iniinda mga pasakit na dulot mo,

Wala nang pakialam sa bawat luha
sa tuwing ako ay masasaktan
na ikaw mismo ang dahilan.

Sa isang daang rason para ikaw ay iwan
Hahanap pa rin ng isang rason
para lumaban at manatili na mahalin ka.

Kasi nangako tayo sa isa’t isa
Hanggang dulo tayong dalawa
Tila ba ikaw ay isang bagay
Na di ko kayang makitang hawak ng iba

Kaya ngayon palang, sinasabi ko sayo
Mapapagod lang ako, pero tandaan mo
Wala sa bokabularyo ko ang salitang pagsuko!!!
Posted in Broken, Essay, life, love, Tagalog, true love

Himig ng Puso


Mahal na mahal kita mga litanyang tumutugtog sa aking puso.
Na para bang musikang
Nais na ihimig sayo.
Sana’y pakinggan mo at pakaingatan mo sinta.
Puso ko’y tanging ikaw lamang ang isinisigaw ay nakikita.
Pakaingatan mo sana at sayo ko lamang ito ipagkakatiwala.

Hindi ako mag-aaksaya ng oras
Alam kong ikaw ay mahalaga sa akin
Hindi ako naghahanap ng pansamantalang kaligayahan,
Nais ko ng isang bagay na makabuluhan, isang bagay na pangmatagalan.
Kung hahawakan ko ang iyong mga kamay
Hindi ko bibitawan.
Posted in Poetry, Tagalog

Kahapon | Ngayon | Bukas

KAHAPON…
Sa tingin ko’y tila pawang kalumbayan
ang inihahandog ng lahat ng bagay,
pati ng mabangong mga bulaklakan
ay putos ng luksa at pugad ng panglaw;
akala ko tuloy itong Daigdigan
ay isang maliit na libingan lamang.
Mangyari, Kahapon
ang dulot mo’y lason.
NGAYON…
Sa mga mata ko ay pawang ligaya
ang inihahandog ng bawa’t makita,
pati ng libingang malayo’t ulila
wari’y halamanang pugad ng ginhawa;
sa aking akala’y tila maliit pa
itong Daigdigan sa aking panata.
Papaano, Ngayo’y
nagwagi ang layon.
BUKAS…
Sino baga kaya ang makatatatanggap
ng magiging guhit nitong ating palad?
Ang buhay ng tao ay lunday sa dagat
na inaamihan at hinahabagat;
itong Daigdigan ay isang palanas
na nabibinhian ng lungkot at galak.
Bukas! Ang pag-asa’y
mahirap mataya…
Posted in Poetry, Tagalog

Panaginip

Naalala mo pa ba?

Naalala mo pa nung una tayong magkita.
Tila tumigil ang mundo at oras ko noon.
Pati pintig ng puso ko ay panandaliang huminto.
Mga mata ko ay nabato-balani sa iyong kakisigan.
Isang kurap ang aking pinakawalan para matanto kong di ito isang panaginip lamang.
Totoo ka…hindi magkamayaw ang aking nadarama.
Puso ko’y nag-uunahan sa pagpintig na parang tambol.
Nagnining-ning ang aking mga mata at pinagmasdan kang mahusay…

Hanggang sa….

Isa…

Dalawa…

Tatlo….

Tatlong malalakas na yugyog mula sa aking Ina.

At malalakas na sigaw na GISING NA TANGHALI NA!!!! MAGLABA KA NA !!!

😴😴😴

PANAGINIP LANG PALA!!!

Posted in Blog, Essay, Tagalog

Sanaysay| Entablado ng Pag-ibig

Paano bang magmahal ng di nasasaktan? Katanungang madalas sumagi sa aking isipan. Marahil ilan sa atin ang gustong pasukin ang mundo ng pag-ibig o di naman kaya napasok na ng iba??? Ika nga sabi ng karamihan ang mundo ng pag-ibig ay parang isang malawak na entablado, nariyan yung pasisiyahin ka, malulungkot ka at kung anu-ano pang eksenang iyong masasaksihan.?

Sa huli,

Ikaw pa rin ang magdedesisyon para sa sarili mo. Ikaw pa rin ang magiging direktor sa buhay na gusto mong naisin.

Gaano ka man kaingat magmahal, di pa rin maiwasang di masaktan. Minsan nasasaktan ka kasi nagdesisyon ka kung ano sa tingin mo ang tama, mahirap tanggapin sa una na pinakawalan mo ang taong nagbigay kulay sa buhay mo, minsang pinaligaya sa panahon ng iyong pighati. Pero kalaunan, ayan at nakakangiti ka na namang muli, hinaharap na naman ang bawat umagang puno ng pag-asa, mga unos ng buhay na dapat kakaharapin. Handa ka na ulit magmahal, hilom na ang sugat na sanhi ng kahapon, ngayon handa ka na ba ulit pasukin ang entablado ng pag-ibig.

Simple lang, walang masama kung susubukan ulit, iba-iba ang bawat kwento, at sa bawat kwento ay may kaakibat na leksyon. Aral na dapat nating gamitin sa pang-araw-araw natin na buhay, para higit nating mapagyabong ang ating sarili at lalong tumapang pa sa mga unos na kakaharapin.

Sa bawat sakit o sugat, di kailangan ang oras at panahon para gumaling minsan sapat na tao lang gagaling na.

Maging positibo kung nais mong pasukin ang mundo ng pag-ibig, madapa ka man bumangon ka ,ayusin ang sarili mo at lumakad ka ulit hanggang sa masumpungan mo ang mundong tutugma sa buhay mo.

Nangungulila Sayo

Posted in Poetry, Tagalog

Ang Kislap Ng Tala

Halina’t masdan ang umagang sisilay;

Pag-asa’y nag-aabang at nag-iintay.

Kasabay nito’y ating kilos at gawa;

Upang makamtan ang buhay ng ginhawa.

Minsan tayo ay nagkakamali sa buhay;

Hindi hudyat para sumuko sa buhay.

Hudyat para matuto sa maling nasa;

Hangaring buksan ang pinto ng pag-asa.

Pag-asang tungo sa purikit ng karimlan;

Pangamba at takot ay walang pagsidlan.

Pagkat ilaw na dala ay kakarampot;

Tapang, taglay tungo sa daang makipot.

Gabay ay mataimtim na panalangin;

Umasang makamit at pagpapalain.

Kailangan ng buong husay na gawa;

Pagkat nasa Diyos ang tunay na awa.

Bulwagan ng pag-asa ay hihiyaw;

At ang kislap ng tala ay mag-iilaw.

Liliwanag ang madilim na pag-asa;

At kamtan ang tunay na pag-asa.

Posted in Poetry, Tagalog

Pagpupugay sa mga FRONTLINERS!!!

Copyright @ Salamat Po Nationwide Letter Writing Advocacy Program
Sa digmaang kinakaharap natin ngayon
Ako, tayo, ikaw ay may obligasyon
Para masugpo ang kalabang ating di nakikita
Ngunit paano tayo makikipaglaban

Kung armas natin ay kulang o wala
Kung tayo ay mas magaling pa sa gobyerno
Kung tayo ay puro ngawa at satsat
Kung tayo ay pasaway at walang pakialam

Paano tayo makikipaglaban?

Marami na ang nagtangkang labanan ang virus
Ngunit sa huli mag-isa kang lalaban
Kapag nagpatalo ka , talo ka!
Ngunit kapag lumaban ka, matatag ka!

Sa digmaang hindi mahalaga
Kung ano ang katayuan mo sa buhay
Mahirap o mayaman lahat tayo napinsala
Walang pinili, walang malaya!

Lahat tayo nakakulong
Sa piitang walang rehas
Lahat tayo nakikidigma
Sa kalabang ating di nakikita

Kaya bigyang pugay natin
Ang ating mga FRONTLINERS
Sila ang ating sundalo sa digmaang ito
Sila ang tunay na nakikipaglaban

Handa silang lumaban para sa bayan
Kahit na alam nilang mga paa nila ay sa hukay
Handa silang itaya ang kanilang mga buhay
Tunay na nakikibaka at naglilingkod sa bayan

Kaya Ikaw! Manatili ka sa bahay
Tanging ambag mo sa digmaan.
Manalangin para sa kagalingan ng mundo
Huwag ng maging bahagi ng problema.

Makiisa ka at maging solusyon sa digmaang kinakaharap natin ngayon.


Copyright @ WILBROS