Dalampasigan

Sa dalampasigan kung saan unang nabato-balani ang aking mga mata.
Pintig ng puso ko ay panandaliang tumigil.
Tila ba mawawalan ng ulirat?
Ngunit nangingibabaw aking pagnanasa na pagmasdan ka.
Mataman kitang pinagmasdan hanggang sa nakita ko ang tunay mong ganda.
Nabibighani ako sa taglay at likas mong kagandahan.
Waring hinubog ng panahon at kalamidad ang likas mong ganda.
Di maikakaila, sinumang makasilay sa bughaw mong kagandahan.
Pawang nagsasabi, ika’y dugong maharlika.
Sapat na para maibsan ang lungkot at pighati na aking nadarama.
Panandaliang napawi at napalitan ng pag-asa.
Tila ba ika’y nangungusap na huwag akong mawalan ng pag-asa.
Sa bawat mahinang hampas ng mga alon sa dalampasigan,
Naririnig ko ang mumunting tinig na di ako nag-iisa.
Sinabayan ko ang bawat hampas ng alon hanggang sa ako’y napagod.
Naupo sa batong, tila sinadya para pahingahan.
Nakaupo at pinagmamasdan ang paglubog ng araw.
Sa paglubog ng araw nakakubli ang mensaheng, “MAY DARATING PANG BUKAS”

Bahagya akong napangiti at inaalala ang mga suliraning dapat di ko iniinda at ipaubaya nalang sa POONG MAYLIKHA.

Mga luha ko’y kusang umibis mula sa kulungang kanina pa nagpipigil.
Posas ay kusang kumalag at pinakawalan ng ang luhang kanina pa nagbabadya.

Umiyak ng buong tapang at ninamnam ang bawat sakit hanggang sa napagod.

Saka huminto, pinahid ang mga luha.
At pinakawalan ang mga ngiti sa labi.
Saka hinabi sa isipan ang mga katagang, ” ANG BUKAS AY PUNO NG PAG-ASA KAYA DI DAPAT MAWALAN NG PAG-ASA”.

✍✍✍

The Spell of Three Words

I love you
Three words that means a lot
Leaves compassions to my heart
It’s really soar deeper to my brain
It’s narrow my mind

An automatic drugs
To believe on your lies
it makes me blind
Whatever you say
Wether it is a request
Or a command
I greatly appreciate it

Your I love you
Is my drugs
I forgot everything
I lost myself
You make me dependent
I can’t live without you

How can I escape
For your bait
It’s not easy
To let go

You make me believe
In everything
I forgot that I love you
Is a verb to be acted upon
You make me vulnerable

It is my fault
Coz I let you
Or it is your fault too
Coz you take advantage
My weakness

One day!!!
I’ll be out
On the spell of your
I love you
I will be wake up
And leaves you nothing
But foots prints will stay
To remind you
That you lost
A valuable person

Mistakes

Mistakes make you realize
what you had,
what you’ve lost
and
what you’ve taken for granted.
They make you realize
that sometimes
there are no

NEXT TIME

NO TIME OUTS

and

NO SECOND CHANCES.

But life is a “WORK IN PROGRESS“.
As long as we live,
we have every chance
to correct our ways.
We may never
get the same opportunity again.
But there will always
be something better!

DISTRACTED…

#MISTAKES

Mga Bagay!!!



May mga bagay na isinusuko sa nakaraan.
Pasasalamatan, ngunit kailangang kalimutan.
May mga bagay kasing nalalanta,
natatapos, at nasisira.

Mga bagay na hindi nadidikta
ano pa mang nasa.
Dahil may mga bagay na dumaraan
lang para magturo,
hindi para tumigil at tuluyang huminto.

Mga bagay na hindi man naisin,
ay nakakasakit.
Mga bagay na kailangang tapusin,
kaysa magpa-ulit-ulit.
Mga bagay na sa paglipas ng panahon, maiisipan mong balikan.

Mga bagay,
na sana’y kasabay ng ngiti,
iwan mo sa kamusmusan.

#Kalimutan
#Nakaraan

Kaibigan Lang Pala

Masakit umasa na mahal mo rin ako.
Mahirap paniwalain ang mata

na mahal mo rin ako
pero puso ang tumitibok
at bawat pintig nito
ikaw ang ibig na madama sinta ko.
Ang puso ko na bulag pagdating sayo.
Ako na yata ang masaya

sa paningin ng madla
ngunit puso ko’y nagdudusa.

Hanggang kailan ako magiging ganito?
Hanggang kailan ako magiging hibang sayo?

Manhid na kung ituring ako ng ilan.
Anong magagawa ko?


Nagmahal lang ako kahit na di ako sigurado

kung mahal mo pa rin ako.

Nakakapagod…!!!


Pero di ko alam

kung saan ako humuhugot ng lakas
para paniwalain ang sarili
kong mahal mo rin ako.

Sayo lang naman

kasi binibigyan mo ako ng pagpapahalaga.
Kapag kasama kita panandaliang tumitigil

ang oras natin sa isa’t isa.

Sa piling mo ako’y masaya.
Umasa ako sa pagpapahalaga mo sa akin.
Umasa ako na magbabago yun

at masabi mo ring mahal mo rin ako.
Pero mali ako dahil hanggang ngayon.

KAIBIGAN PA RIN ANG TINGIN MO SA akin!!!

Kaibigan na kailangang

pahalagahan at alagaan.
Kaibigan na dapat ingatan.
Kaibigan lang talaga…

#KaibiganLangPala