
Halina’t masdan ang umagang sisilay;
Pag-asa’y nag-aabang at nag-iintay.
Kasabay nito’y ating kilos at gawa;
Upang makamtan ang buhay ng ginhawa.
Minsan tayo ay nagkakamali sa buhay;
Hindi hudyat para sumuko sa buhay.
Hudyat para matuto sa maling nasa;
Hangaring buksan ang pinto ng pag-asa.
Pag-asang tungo sa purikit ng karimlan;
Pangamba at takot ay walang pagsidlan.
Pagkat ilaw na dala ay kakarampot;
Tapang, taglay tungo sa daang makipot.
Gabay ay mataimtim na panalangin;
Umasang makamit at pagpapalain.
Kailangan ng buong husay na gawa;
Pagkat nasa Diyos ang tunay na awa.
Bulwagan ng pag-asa ay hihiyaw;
At ang kislap ng tala ay mag-iilaw.
Liliwanag ang madilim na pag-asa;
At kamtan ang tunay na pag-asa.
You must be logged in to post a comment.