Bahay Kubo

Munti kong ituring ngunit hatid ay dalisay
Sa pagnanais nang kapahingaan
Kapara ng pag-ibig ko sa'yo
Ikaw ang nagsisilbing pahinga ko

Ang kapagurang aking natatamasa
Ay kusang naglalaho kapag ika'y nasisilayan
Gaya ng munting bintanang parisukat
Lundayan ng ating matamis na pagdudungawan

Sa ating bahay kubo tangan ay liwanag
Na nagpapakulay sa ating pag-iibigan
Hindi man tayo marangya sa materyal
Pagmamahalan naman ay walang kapares.

Sigalot na ating nararanasan,
Agarang napupuksa ng iyong kalinga,
Mahal, wala kang kapara.
Kaya hindi kita ipagpapalit.

Patuloy kitang mamahalin sa paraan ko,
Kung saan lagi kang masaya,
Ibig mo'y siya kong nais.
Ang makapiling ka sa tuwina.

Ikaw ang tangi kong liwanag,
Na aking pakakaingatan ko.
Hindi ako mapaparam kailanman
Sapagkat ikaw ang aking gabay.





			

Mga Bagay!!!



May mga bagay na isinusuko sa nakaraan.
Pasasalamatan, ngunit kailangang kalimutan.
May mga bagay kasing nalalanta,
natatapos, at nasisira.

Mga bagay na hindi nadidikta
ano pa mang nasa.
Dahil may mga bagay na dumaraan
lang para magturo,
hindi para tumigil at tuluyang huminto.

Mga bagay na hindi man naisin,
ay nakakasakit.
Mga bagay na kailangang tapusin,
kaysa magpa-ulit-ulit.
Mga bagay na sa paglipas ng panahon, maiisipan mong balikan.

Mga bagay,
na sana’y kasabay ng ngiti,
iwan mo sa kamusmusan.

#Kalimutan
#Nakaraan