It is all about words. Your words are enough to shatter someone's heart. Your words are enough to make a broken heart unbroken. Words have the power to change your life perspectives.
Anong hiwaga ang nababalot sa dalawang salita na “OKAY LANG” ?
Madalas natin sagot sa mga tanong na hindi natin alam kung paano sasagutin.
Sa likod ng mga salitang OKAY LANG ay mga emosyong pilit na itinatago.
Dalawang salita na puno ng hiwaga,
Itinatago ang bawat sakit kasabay ang mapanlinlang na mga ngiti.
Ngunit ang mga mata ay tunay na tapat kusang papatak ang mga luhang nagbabadya.
Okay lang kahit di mo alam kung paano nga ba magiging okay sa likod ng mga salitang Okay Lang.
At ang mga salitang OKAY LANG ang nagpapanatag sa mga damdamin nating di mapalagay. Sa bawat bigkas natin nito ay ang kasinungalingang pilit nating itinatago sa matamis na mga ngiti at sa mapupungay na mga mata.
OKAY LANG ang tangi nating sandata kung damdamin natin nagpupuyos na sa galit. Iwawaksing pilit at maglaoy tatakbong papalayo isisigaw ang mga salitang “OKAY LANG ako di naman masakit.” Sa paraang iyon mamalas ang tapang na pinanghahawakan upang iwasan ang kirot at sakit na dulot ng taong minsan mo ng minahal.
OKAY LANG dalawang salitang puno ng hiwaga na tanging puso lamang ang makakatuklas ng totoong hiwatig ng mga salitang ito upang ikubli ang mga emosyon.
Natatakot mawalan.
Natatakot mahusgahan.
Natatakot mapag-iwanan.
Natatakot maubusan.
Natatakot masaktan.
pero hindi nag-aalala
sa sariling kapakanan?
Ikaw muna bago ang iba.
Baka sa sobrang takot
at pangamba mo para sa ibang tao,
mawala na yung totoong sarili
at pagkatao mo.
Ikaw? Nasubukan mo na bang umakyat ng hagdan, di ba nakakapagod? Akyat panaog ka para tunghayan ang buhay mo kung saan patutungo. Sa pag-akyat mo sa hagdan paitaas gaya ng buhay, sa itaas mo makikita mo ang liwanag ng kasiyahan at kaginhawaan. Samantalang kung baba ka naman naroon ang kadiliman na sigurado ako, na kahit ikaw mismo ay ayaw mong maranasan ang kalungkutan at kahirapan.
Dito sa mundong ibabaw hindi lahat ng bagay nakukuha mo nang mabilis o hindi mo pinaghihirapan. Kailangan mong mag-aral ng mabuti para makakuha ka ng mataas na marka o maipasa mo ang bawat asignatura. Kailangang magbanat ng buto, magtiis sa iyong boss lalo na sa mga katrabaho mong dinaig pa ang imbestigador sa pangingialam sa iyong buhay. Kung ikaw naman ay isang guro, kailangan mong magpuyat gabi-gabi para maghanda ng mga lektyur na tatalakayin sa klase. Hindi lang yan, kailangan mo ring pagtyagaan at habaan ang iyong pisi sa mga estudyante mong may tagalay na kakulitan at katamaran sa paggawa ng mga takdang-aralin,proyekto at portfolio. Ganyan ang buhay kailangan nang mahabang pasensya at pagtiyaga para isakutaparan ang iyong mga nais sa buhay. Mahirap man sa umpisa ngunit kalaunay masasanay ka rin at matutong makiayon sa saliw ng musika.
Kaya ikaw na habang estudyante ka pa eh tinatamad ka na, Aba! Mag-isip-isip ka na!!! Hindi sa lahat ng panahon kasama mo ang iyong mga magulang. Huwag kang masanay na laging nandiyan sila. Kasi dito sa mundo walang permanente lahat nagbabago at naglalaho. Kaya magsumikap para sa ikakabuti at ikakatupad ng mga minimithi mo sa buhay.
Huwag kang matakot na humakbang paitaas. Hindi mahirap ang humakbang paitaas bagamat nakakapagod kailangan mong paglabanan ang nakakapanghina ng loob sa iyong paghakbang. Isipin mo na lang sa pag-akyat mo sa hagdan paitaas naroon ang liwanag ng iyong pag-asa. Liwanag na siyang magiging ilaw mo sa madilim na kinasasadlakan ng kahapon. Kaya huwag kang titigil sap ag-akyat hanggang sa marating mo ang minimithi mo sa buhay. Tiyak ako na pagnaabot moa ng tugatog ng tagumpay walang hanggang pasasalamat ang iyong masasambit sa Poong Maykapal. Kaya kung ako sayo huwag mo nang hangarin pang pumaibaba. Naiisip mob a kung anong buhay ang naghihintay sayo sa ibaba? Naroon ang kalungkutan at pighati na ayaw mo nang balikan kaya humakbang ka paitaas at pagkatiwalaan ang Poong Maykapal.
Syempre kung ako ang iyong tatanungin, mas gugustuhin kong umakyat paitaas para isakatuparan ang aking pangarap at mga minimithi sa buhay lalo na sa aking pamilya. Nanaisin kong maghirap sa simula kung kapalit naman nito ay kaginhawaan ng buhay ng aking pamilya at ng aking sarili.
Sa digmaang kinakaharap natin ngayon Ako, tayo, ikaw ay may obligasyon Para masugpo ang kalabang ating di nakikita Ngunit paano tayo makikipaglaban
Kung armas natin ay kulang o wala Kung tayo ay mas magaling pa sa gobyerno Kung tayo ay puro ngawa at satsat Kung tayo ay pasaway at walang pakialam
Paano tayo makikipaglaban?
Marami na ang nagtangkang labanan ang virus Ngunit sa huli mag-isa kang lalaban Kapag nagpatalo ka , talo ka! Ngunit kapag lumaban ka, matatag ka!
Sa digmaang hindi mahalaga Kung ano ang katayuan mo sa buhay Mahirap o mayaman lahat tayo napinsala Walang pinili, walang malaya!
Lahat tayo nakakulong Sa piitang walang rehas Lahat tayo nakikidigma Sa kalabang ating di nakikita
Kaya bigyang pugay natin Ang ating mga FRONTLINERS Sila ang ating sundalo sa digmaang ito Sila ang tunay na nakikipaglaban
Handa silang lumaban para sa bayan Kahit na alam nilang mga paa nila ay sa hukay Handa silang itaya ang kanilang mga buhay Tunay na nakikibaka at naglilingkod sa bayan
Kaya Ikaw! Manatili ka sa bahay Tanging ambag mo sa digmaan. Manalangin para sa kagalingan ng mundo Huwag ng maging bahagi ng problema.
Makiisa ka at maging solusyon sa digmaang kinakaharap natin ngayon.
You must be logged in to post a comment.