Umibig, Umasa, Nasaktan!!Nagparaya!!

alone buildings city cityscape
Photo by Pixabay on Pexels.com

 Mas naiisin mo pang ikaw ang magdusa kaysa sa manira ng pamilya.

Kala ko Ikaw na..!!! Kala ko Ikaw na talaga. Pinaramdam mo sa akin kung gaano ako kahalaga. Pinaramdam mo sa akin kung ano ako sa buhay mo. Matiyaga mo ako tinetext ng ” Good Morning with smiley pa ๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚ ” ,afternoon and evening ,ganyan ka…Hahaha…Free time ka pag dating sa akin…Kahit text lang ugnayan natin noon , napapangiti mo ako, Oo…Lihim mong nakikiliti ang puso ko noon. Masaya ako pagnagtetext o tumatawag ka sa akin. Excited ako na buksan ang cellphone, excited ako na pangalan mo ang makikita ko sa screen.

Hanggang sa…di ka na nagparamdam 1, 2,3 days, hanggang sa naging linggo at buwan. Nasa isip ko noon, siguro nagsawa ka, napagod na, ika nga sabi mo paasa ako. Pero hindi eh…noong mga panahong iyon takot akong aminin sayo na mahal kita…Takot ako na baka magbago ka, takot ako na sa umpisa ka lang mainam. Nangibabaw ang takot sa akin kaysa pagmamahal mo sa akin…Oo duwag ako, alam ko naman iyon. ๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚ Labis akong nangulila sayo noon, ang dami kong sana inamin ko na sayo noon pa . Wala nang magagawa pa ang aking SANA nangyari na ang bagay na kinatatakutan ko.

Aaminin ko, Oo umiyak din naman ako noon at sinisi ang sarili ko. Simula noon wala na akong balita sayo, nagpalit ka na rin ng numero, nakakatuwang isipin na mas memoryado ko pa ang numero ng cellphone mo kaysa sa Nanay ko. Sinubukan kong tawagan kita. Pero wala, out of coverage ka na…๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚…Di kita ma-reach.. Totoo sobra akong nalungkot at nangulila sayo noon. Kaya nagpasya na ako noon na tumigil na sa kakapantasya sayo na babalik ka rin at magpaparamdam. ๐Ÿ˜‚๐Ÿ‘Š Mabilis ba nakamove-on? Hindi nga eh. .sobrang hirap pala , kaya ginawa ko ang dapat nagpaka-busy ako. Yung tipong tutulog nalang ako at kinabukasan work mode na….Hahaha….Parang timang lang, pinarurusahan ko lang pala sarili ko…Bakit ko pa kailangang gawin iyon, simple lang naman kasi eh….Kung di talaga siya para sayo, Hindi !!! Wag na ipagpilitan pa ang mga bagay na di naman talaga pwede. Masakit Pero tinanggap ko para sa sarili. Okey na ang LAHAT…Yes …naka-move on na si Besh….hahaha…nakakangiti na ulit, nagiging makulit na si ako….siglahin na ulit ako pero emotera pa din….Yes, Ang strong ko…๐Ÿ˜‚๐Ÿ‘Š

Okey na , saka ka naman nagparamdam … New number calling sa screen ng phone, nagtatakang akong sinagot ang phone, boses pa lang alam na alam ko na , ikaw iyon… Ikaw na mangiyak-ngiyak sa kabilang linya… Tinanong kita kung , Bakit? Nag-flashback LAHAT sa akin, Kung kaharap lang kita di ko alam ang gagawin sayo…. Hahaha…Kala ko hihingi ka ng tawad kasi di ka nagparamdam, Mali pala ako,…. Sasabihin mo lang pala sa akin na may nabuntis ka, na mag-aasawa ka….!!! Nakakagalit , so anong gusto mo babatiin pa kita ng CONGRATULATIONS!!! Nangingilid na ang mga luha noon sa aking mga mata. Pinipigilan kung umiyak. Sabi mo di mo siya Mahal , kasi ako ang Mahal mo…..Naku!!! Ibang usapan na pag ganyan… Huwag mong takbuhan ang responsibilidad mo sa kanya. Di ba? Yun naman ang dapat, Hindi yan PAGKAKAMALI. Destiny yan na makilala mo siya. Mahalin mo rin siya higit pa sa pagmamahal mo sa akin. Higit na mararamdaman mo ang saya pag kapiling mo siya Lalo na at magkaka-anak na kayo… Blessings Yun….tanggapin mo nalang na kahit kailan di magiging tayo, naging parte lang ako ng buhay mo. Mas masaya kapag pinanindigan mo siya. Mas mahirap at masakit kapag nagdesisyon ka na takbuhan mo sila , pagsisihan mo yan habambuhay. Yan ang mga litanyang binitawan ko sayo noon. Mukha namang naliwanagan ka at sinunod mo ako. Nag-sorry na rin sa ginawa mo sa akin…nakaka-stress free..Kahit mangiyak-ngiyak ako nung gabing iyon. Magaan sa pakiramdam na alam kong ginawa ko ang TAMA.


Nasaktan ka man, alam mong may pamilyang masaya dahil sa desisyon mo..


Pananampalataya sa Pag-asa

Malungkot ang kapaligiran para bang nakiki-ayon ang panahon sa kalagayan ni Nita. Si Nita ay isang dalagang ina, masakit para sa kanya ang sinapit niya ngunit mas masakit para sa kanya na makitang ang kanyang anak ay nag-iisang inaayos ang sarili para pumasok sa paaralan. Pitong taong gulang pa lamang ang kanyang anak na si Joy. Maaasahan na ito sa loob ng bahay, responsableng bata si Joy inaalagaan niya ang kanyang ina sa abot ng kanyang makakaya. Si Nita ay matagal nang nakikipaglaban sa kanyang sakit, hindi siya makalakad at mahigit dalawang taon ng nakaratay sa banig. Minsan may pagkakataon na naiihi siya sa kanyang higaan, naaawa siya sa kanyang sarili nais na niyang wakasan ang buhay niya. Ngunit sa tuwing nakikita niya ang kanyang anak nagkakaroon ng kulay ang buhay ng kanyang buhay, nagkakaroon ng liwanag ang madilim niyang buhay.

            Isang araw na papasok si Joy sa paaralan, mag-isang inaayos niya ang kanyang sarili. Tumingin sa salamin at ngumiti sabay tingin sa ina at nagwika, โ€œMa maganda po ba ako?โ€, โ€œOo naman anak mana ka sa akinโ€, sabad ng ina sa anak. Bago pa man umalis si Joy ipinaghanda niya muna ng pagkain ang ikanyang ina  sa tabi ng higaan. May habilin pa ito sa ina, โ€œMa, ito na po pagkain niyo, kumain po kayo at inumin po ang gamut niyo, papasok nap o ako sa paaralan.โ€

ย ย ย ย ย ย ย ย ย ย ย  Mangiyak-ngiyak si Nita sa turan ng kanyang anak. Napakapalad niya bagamat maysakit siya ย at puno ng kalbaryo ang buhay niya nanatili pa rin siyang matatag. Hindi isang sakit ang gugupo sa kanya para sumuko bagkus isa itong inspirasyon para lumaban at patunayang ang buhay ay puno ng pag-asa. Maraming nagmamahal kay Nita, mga pamilya, mga kaibigan, mga kamag-anak at lalo na ang kanyang nag-iisang anak na patuloy na ipinagdarasal ang kanyang paggaling.

            Patuloy na umaasa si Nita sa kanyang paggaling kahit na alam niyang imposible ngunit sa kanyang saloobin walang imposible sa Panginoon. Taimtim siyang nanalangin gabi-gabi na ihanda siya sa kanyang paglisan sa mundong ibabaw. At patuloy na gabayan ang kanyang anak at mahalin ng mga taong nakapaligid sa kanya. Madalas umiyak si Nita sa gabi ngunit sa umaga hindi mababakas ang pighati na kanyang dinaranas.

ย ย ย ย ย ย ย ย ย ย ย  Tila ba inspirasyon siya ng mga taong nasa paligid niya sa anumang pagsubok sa buhay ay manatiling matatag gaano man kalaking pader ang nakaharang sa dinaraanan. Huwag mag-alala dahil higit na malaki ang Panginoon sa mga problemang dumarating sa atin. Lahat ng mga nangyayari sa atin ay may dahilan. Huwag kang matakot harapin ang lahat ng ito bagkus harapin ito at lumakad ng may paniniwala sa Panginoon.

Find Reasons

Life is never about proving people that you are a good person,

Sometimes the bad things matter for in your dark side you see the people who are ready to light the road with you.

It’s about not how many your friends are, or how people roam around you,

But it’s how few of them accepts you being you.

For in your nothingness, people who are true to you,

Find reasons to love you still.

Buhay ay Parang Hagdan

Ikaw? Nasubukan mo na bang umakyat ng hagdan, di ba nakakapagod? Akyat panaog ka para tunghayan ang buhay mo kung saan patutungo. Sa pag-akyat mo sa hagdan paitaas gaya ng buhay, sa itaas mo makikita mo ang liwanag ng kasiyahan at kaginhawaan. Samantalang kung baba ka naman naroon ang kadiliman na sigurado ako, na kahit ikaw mismo ay ayaw mong maranasan ang kalungkutan at kahirapan.

Dito sa mundong ibabaw hindi lahat ng bagay nakukuha mo nang mabilis o hindi mo pinaghihirapan. Kailangan mong mag-aral ng mabuti para makakuha ka ng mataas na marka o maipasa mo ang bawat asignatura. Kailangang magbanat ng buto, magtiis sa iyong boss lalo na sa mga katrabaho mong dinaig pa ang imbestigador sa pangingialam sa iyong buhay. Kung ikaw naman ay isang guro, kailangan mong magpuyat gabi-gabi para maghanda ng mga lektyur na tatalakayin sa klase. Hindi lang yan, kailangan mo ring pagtyagaan at habaan ang iyong pisi sa mga estudyante mong may tagalay na kakulitan at katamaran sa paggawa ng mga takdang-aralin,proyekto at portfolio. Ganyan ang buhay kailangan nang mahabang pasensya at pagtiyaga para isakutaparan ang iyong mga nais sa buhay. Mahirap man sa umpisa ngunit kalaunay masasanay ka rin at matutong makiayon sa saliw ng musika.

Kaya ikaw na habang estudyante ka pa eh tinatamad ka na, Aba! Mag-isip-isip ka na!!! Hindi sa lahat ng panahon kasama mo ang iyong mga magulang. Huwag kang masanay na laging nandiyan sila. Kasi dito sa mundo walang permanente lahat nagbabago at naglalaho. Kaya magsumikap para sa ikakabuti at ikakatupad ng mga minimithi mo sa buhay.

Huwag kang matakot na humakbang paitaas. Hindi mahirap ang humakbang paitaas bagamat nakakapagod kailangan mong paglabanan ang nakakapanghina ng loob sa iyong paghakbang. Isipin mo na lang sa pag-akyat mo sa hagdan paitaas naroon ang liwanag ng iyong pag-asa. Liwanag na siyang magiging ilaw mo sa madilim na kinasasadlakan ng kahapon. Kaya huwag kang titigil sap ag-akyat hanggang sa marating mo ang minimithi mo sa buhay. Tiyak ako na pagnaabot moa ng tugatog ng tagumpay walang hanggang pasasalamat ang iyong masasambit sa Poong Maykapal. Kaya kung ako sayo huwag mo nang hangarin pang pumaibaba. Naiisip mob a kung anong buhay ang naghihintay sayo sa ibaba? Naroon ang kalungkutan at pighati na ayaw mo nang balikan kaya humakbang ka paitaas at pagkatiwalaan ang Poong Maykapal.

Syempre kung ako ang iyong tatanungin, mas gugustuhin kong umakyat paitaas para isakatuparan ang aking pangarap at mga minimithi sa buhay lalo na sa aking pamilya. Nanaisin kong maghirap sa simula kung kapalit naman nito ay kaginhawaan ng buhay ng aking pamilya at ng aking sarili.

Ikaw? Saan ka patutungo?

Sanaysay| Entablado ng Pag-ibig

Paano bang magmahal ng di nasasaktan? Katanungang madalas sumagi sa aking isipan. Marahil ilan sa atin ang gustong pasukin ang mundo ng pag-ibig o di naman kaya napasok na ng iba??? Ika nga sabi ng karamihan ang mundo ng pag-ibig ay parang isang malawak na entablado, nariyan yung pasisiyahin ka, malulungkot ka at kung anu-ano pang eksenang iyong masasaksihan.?

Sa huli,

Ikaw pa rin ang magdedesisyon para sa sarili mo. Ikaw pa rin ang magiging direktor sa buhay na gusto mong naisin.

Gaano ka man kaingat magmahal, di pa rin maiwasang di masaktan. Minsan nasasaktan ka kasi nagdesisyon ka kung ano sa tingin mo ang tama, mahirap tanggapin sa una na pinakawalan mo ang taong nagbigay kulay sa buhay mo, minsang pinaligaya sa panahon ng iyong pighati. Pero kalaunan, ayan at nakakangiti ka na namang muli, hinaharap na naman ang bawat umagang puno ng pag-asa, mga unos ng buhay na dapat kakaharapin. Handa ka na ulit magmahal, hilom na ang sugat na sanhi ng kahapon, ngayon handa ka na ba ulit pasukin ang entablado ng pag-ibig.

Simple lang, walang masama kung susubukan ulit, iba-iba ang bawat kwento, at sa bawat kwento ay may kaakibat na leksyon. Aral na dapat nating gamitin sa pang-araw-araw natin na buhay, para higit nating mapagyabong ang ating sarili at lalong tumapang pa sa mga unos na kakaharapin.

Sa bawat sakit o sugat, di kailangan ang oras at panahon para gumaling minsan sapat na tao lang gagaling na.

Maging positibo kung nais mong pasukin ang mundo ng pag-ibig, madapa ka man bumangon ka ,ayusin ang sarili mo at lumakad ka ulit hanggang sa masumpungan mo ang mundong tutugma sa buhay mo.