Mangarap Ka

Isakatuparan ang pangarap na sinimulan,
Pilit abutin anumang balakid ang uulan.
Pagsuko ay walang puwang para sa pangarap,
Na minimithi at kanlungan tungo sa paglalakbay.

Inspirasyon ang kaagapay sa buhay,
Kaya’t pangarap ay pilit na inaabot.
Ilang beses mang madapa sa paglalakbay,
Pilit na bumabangon at nanatiling matibay.

Sakripisyo ay higit na mananaig at mangingibabaw,
Para panghawakan ang katiting na pag-asa.
At ang pangarap na kaytagal nang pinagdasal,
Ay panghawakan at ipagpatuloy ang naumpisahan.

Patuloy lamang sa paghabi ng pangarap,
Ng may tapanag at paninindigan sa sarili.
Anumang pagsubok ang kakaharapin ay tanggapin,
At manatiling matatag para sa kinabukasan.


Sapagkat ang pagkakataon ay di mawari,
Kung kailan kakatok sa tarangkahan ng pag-asa.
Kaya’t pangarap na naumpisahan ay ipagpatuloy.
Ng tagumpay ay matamasang lubos.