Kaibigan Lang Pala

Masakit umasa na mahal mo rin ako.
Mahirap paniwalain ang mata

na mahal mo rin ako
pero puso ang tumitibok
at bawat pintig nito
ikaw ang ibig na madama sinta ko.
Ang puso ko na bulag pagdating sayo.
Ako na yata ang masaya

sa paningin ng madla
ngunit puso ko’y nagdudusa.

Hanggang kailan ako magiging ganito?
Hanggang kailan ako magiging hibang sayo?

Manhid na kung ituring ako ng ilan.
Anong magagawa ko?


Nagmahal lang ako kahit na di ako sigurado

kung mahal mo pa rin ako.

Nakakapagod…!!!


Pero di ko alam

kung saan ako humuhugot ng lakas
para paniwalain ang sarili
kong mahal mo rin ako.

Sayo lang naman

kasi binibigyan mo ako ng pagpapahalaga.
Kapag kasama kita panandaliang tumitigil

ang oras natin sa isa’t isa.

Sa piling mo ako’y masaya.
Umasa ako sa pagpapahalaga mo sa akin.
Umasa ako na magbabago yun

at masabi mo ring mahal mo rin ako.
Pero mali ako dahil hanggang ngayon.

KAIBIGAN PA RIN ANG TINGIN MO SA akin!!!

Kaibigan na kailangang

pahalagahan at alagaan.
Kaibigan na dapat ingatan.
Kaibigan lang talaga…

#KaibiganLangPala