You are My Soul

NANDITO PA RIN AKO SA DATI NATING TAGPUAN!

Darating pero di nagtatagal,
Lilikha ng mga alaala.
Panandaliang sisilay ang mga ngiti,
Susulyap ang maningning na pag-ibig.

Panandalian lamang ang pag-ibig,
Na akala mo panghabambuhay.
Nabulag ang iyong puso,
Umasa na siya ay magtatagal.

Ngunit siya ay lumisan,
Iniwan kang nag-iisa.
Ayaw lisanin ang lugar
Na kasama siya.

Umasa na siya ay babalik,
Naghihintay sa walang kasiguraduhan.
Pinaniniwala ang sarili,
Na anuman ang mangyari babalik siya.

Maghihintay………..
Hanggang Kailan?????
Panahon ay nagbabago,
Sana ganoon rin pag-ibig ko sa’yo.

Hanggang kailan aasa?
Babalik ka pa ba?
Marahil ay di na….
Nasaan ka na???

Saranggola


Alam mo kung bakit pilit kitang hinahawakan kasi ayoko kong mawala ka sa akin.
Ngunit nagpupumiglas ka pa rin at nakikita ko kung paano kang nasasaktan.
Hindi mo alam na sa pagpupumiglas mo higit akong nasasaktan
kasi nasasakal ako ng mga taling nag-uugnay sa ating dalawa.

Ngunit batid kong higit kang nasasaktan
kaya minabuti kong bitawan ka nalang
hindi para hayaan ka
bagkus makita mo sana ang kaligayahang nais mo.

Sana sa iyong paglaya huwag mong isipin na hinayaan kita,
hindi ako bumitaw bagkus ginawa ko ang sa tingin ko ay tama.
Sana sa iyong paglaya nakita mo ang aking halaga
mapanatili ka lamang na nasa himpapawid
para makita mo ang ganda ng kapaligiran.

Masaksihan mo man lang ningning ng kalikasan.
Ngunit di ka makuntento nagpupumilit kang liparin
at suyurin ang ganda ng kalikasan.
Kaya kung binitawan man kita hindi iyon
para masaktan bagkus makita mo sana ang aking halaga.

Halagang ipinagkaloob sayo ng kusa ngunit binalewala mo lang.
Sana sa pagkakataong ito natuto kang pahalagahan
ang mga taong nakapaligid sayo
sila ang mga taong handa kang ipaglaban
at pag-ibig nila ay wagas…

#Life
#Sacrifice
#Love