
Humiling ako sa Maylikha na huwag ka nang lumisan Ngunit pakiwari ko’y di ako pinakinggan. Bagkus, Ikaw ay lumisan pa rin. Ako’y lubos na nagdamdam, Ngunit anong magagawa ko Ikaw na ang nagtuldok. Tinuldukan mo na ating ugnayan Hindi na ako mahalaga sa'yo Iniwan mo ako sa gitna ng karimlan. Di mawari iyong dahilan. At pagmamakaawa ko’y isinantabi mo Buo ang iyong desisyon na ako’y iwan sa gitna ng gubat na masukal. Iniwan mo ako sa gitna ng laban na walang sandata. Ang pighati at galit ang tanging naging sandata ko. Para kamuhian ka! at hilingin sa Maylikha na huwag nang magkrus ang ating landas. Habang nasa gitna ng gubat napagtanto kong pinagtagpo lang tayo. Ngunit di tinadhana. Ako'y magpapatuloy sa aking paglalakbay na hindi ikaw ang kasama at kasabay Magiging matatag para sa sarili at ipapakita sa'yo ang tapang na taglay ko. na kaya ko kahit wala ka. Maliwanag na sa akin na tayo ay pinagtagpo ngunit di tinadhana
You must be logged in to post a comment.