It is all about words. Your words are enough to shatter someone's heart. Your words are enough to make a broken heart unbroken. Words have the power to change your life perspectives.
Maaari bang samahan mo ako na lakbayin ang baybayin na ito na magkahawak ang ating mga kamay at pinakikinggan ang alay kong tula sayo.
Maaari ba? na magpanggap kang masaya na kapiling ako.
Maaari ba? na magpanggap kang mahal mo ako kahit sandali lang.
???
Maaari ba na pakinggan mo? ang bawat pintig ng aking puso na tanging ikaw ang ritmo sa isang musika na ikaw ang himig.
Maaari bang hiramin ko ang kapirasong oras mo at ialay mo muna ito sa akin kahit sa sandaling segundo.
Maaari ba?
???
Sapagkat sa bawat oras na nalalabi ko dito sa mundong ibabaw ay humahaba at pakiwari ko’y mahaba pa ang ilalagi ko dito.
Sapagkat sa bawat pintig ng aking puso ay maaaring maupos gaya ng kandilang may sindi at sa tuwing pakikinggan mo ito yaring isang musikang tumutugtog at saliw nito laan para sayo lamang.
Kung sakali mang ikaw ay magpapanggap na mahal mo ako pakiwari ko’y nasa alapaap ako ninamnam ang makinang mong pagmamahal.
At sakali mang ako’y iyong samahan na tahakin ang mahabang baybayin na ito at pinakikinggan mo ang alay kong tula sayo at magkahawak ang ating kamay.
Malugod kong tatanggapin ang pamamahinga sa dulo ng baybaying ito.
Ako’y mamaalam na tangan ang saya at babaunin ang lahat ng lungkot at sakit. Iiwan ang masasayang alaala at umaasa ako na iyong ipagpapatuloy.
Sapagkat ako’y hahayo na, Pagod na akong lumaban pa ang sakit na gumugupo sa akin at ang magpapahiwalay sa ating dalawa.
Huwag ka nang umiyak pa, Tanggapin mo, na hanggang dito nalang ako. Pagtangis mo sana ay ikubli nalang, Huwag mo nang ipakita pa sa akin.
Maaari bang masilayan ko ang iyong mga ngiti sa huling pagkakataon? Hawakan mong mahigpit ang aking mga kamay at hayaan mong kumawala ito hanggang sa maupos ang aking paghinga.
You must be logged in to post a comment.