Mag-isa Ulit

Masaya ako noong wala ka
Higit na naging masaya
Nang dumating ka
Pumailanlang sa alapaap
Ang pag-ibig na nais
Walang pagsidlan ang galak

Umasa ako na walang hanggan
Ang pag-ibig na binuo natin
Mga alaalang hinabi natin
Pangarap na ating tinupad
Nang tayo ay magkapiling
Sa pag-asang Ikaw at Ako

Ikaw at Ako na naging Tayo
Sa paglipas ng panahon
Higit na naging matibay
Mahalaga ang bawat sandali
At walang pinalagpas na panahon
Sinulit ang bawat sandali.

Takot ako na mag-isa ulit
Takot ako na baka di na sapat
Takot ako na baka di na sulit
Takot ako na baka di na ako ang dapat
Takot ako na baka magsawa ka na
Takot ako na ang mawala ang halaga ko sayo

Ngunit kahit anong gawin ko
Dumating tayo sa puntong kinatatakutan ko
Ayaw kong mangyari ngunit inadya
Tadhana ang gumuhit ng palad
Para sa ating dalawa
Gumuhit ang sakit at dusa

Higit na masakit sa inaakala ko
Hindi ko kayang mawala ka
Hindi ko kayang di kita masilayan
Sa bawat umagang inaantay natin araw-araw
Hindi ko kayang pagmasdan
ang paglubog ng araw na wala ka

Paano ko ipagpapatuloy ang buhay na wala ka?

Ikaw ang naging bahaghari
Sa buhay kong kaylumbay
Ikaw ang nagsilbing liwanag
Sa buhay kong nasa piit ng karimlan
Ikaw ang nagsilbi kong gabay
Sa buhay kong walang patutunguhan.

Ngayon, Paano na???

Di ko alam kung paano ang mag-isa ulit.

Mag-isa

Sa aking pananahimik, tangan ko
ang simbuyo ng damdamin,
mapait at di mawari ang lasa.

Mainam pang di kita nakilala
mainam pang di nagkrus ating landas
mainam pang umiwas ako umpisa palang
mainam nang ako’y iyong saktan.

Huwag nang ikubli
ako’y lubos nang nagdusa
umiiyak na ikaw ang dahilan
ngunit anong magagawa ko,,,
Kundi tanggapin ang lahat ng ito.

Kaya pakiusap,,,
kung aalis at lalayo ka na
huwag ka nang bumalik pa
baunin mo sana lahat ng ating alaala
ikintal sa iyong isipan
ating pinagsamahan ay tapos na.

Ngayon,,,

Ito ako MAG-ISA!!!