It is all about words. Your words are enough to shatter someone's heart. Your words are enough to make a broken heart unbroken. Words have the power to change your life perspectives.
Missing the sea waves touches the sand sky reflects to ocean seashells on the bay gazing to the view I stare on it sometimes I pick not to collect but putting into another view pebbles and rocks has stagnation beauty that made in sea to witness and mesmerize the sunsets I remember the golden rays scattered on the oceans I feel the nature the hopes an everlasting amazement I walked into the seaside touching the waves let the wind touches my skin I missed the sea roaming alone towards the stone at ends of the bay sit and feel the breeze. remembering the memories imagine the plans live in this world fight with spirits.
Kami yung mga kabataan na madalas sa lansangan Walang kwenta kung ituring ng lipunang mapanghusga
Walang boses na ipagmamalaki sapagkat yaong mga gawa ang hinuhusgahan ng madla Sigaw namin ay bulong sa kanila
Hindi maririnig munting tinig Walang gustong makinig Pagkat sa kanila ito’y walang kwenta Walang kabuluhan ang aming tinig
Bagwis nami’y di maikampay Paano kami lilipad? kung bagwis ay niruruyakan niluray ng mga taong mapanghusga
Mahina sa kanilang mga mata bawat kilos ay tinutuya walang patutunguhan kung ituring Wala kaming puwang kung matahin
Saan kami lulugar sa lipunang ito? Paano kami kikilos? Kanino kami lalapit ng aming hinaing? Sino ang maniniwala sa amin? Bakit niyo kami kailangang husgahan? Ano ang aming dapat gawin upang kami’y tingnan na pag-asa ng lipunang uhaw at pagod na? Pakinggan niyo ang mga hinaing namin.
Oo, kami ang mga kabataang patapon, Kung inyong ituring Kami ang tingin niyong dumi sa lipunang ito Kami ang tinik sa inyong lalamunan Kami ang tingin niyong sisira sa bayan Kami ang tingin niyong walang dunong Kami ang mga kalam ang tiyan Gutom sa totoong pangangalinga Hindi panghuhusga ang tugon Sa bawat pangangalam ng aming tiyan Hindi pangyuyurak ang tugon Sa madudungis naming kaanyuan Hindi ang pigilan kaming lumipad At putulin ang bagwis ang tugon Upang sugpuin ang katiwalian sa ating bayan Hayaan niyong kami’y lumipad Hayaan niyong mga bagwis namin ay ikampay Hayaan niyong liparin ang bayang iniibig namin Tingnan niyong kami’y pag-asa ng bayan At hindi tinik ng lipunan.
Bagkus ang totoong anay sa ating lipunan Ay silang mga edukadong nasa kongreso Silang pagnanakaw sa bayan ang tanging alam Silang tanging kanilang bulsa ang pinayayaman Silang matahin ang mga aba ay sobra Silang may mga kapangyarihan At puso nila’y nilason ng kapangyarihan. Sila ang totoong lason at gumugupo sa bayan.
Kaming mga kabataan na walang kwenta Ang aming mga sigaw ay naghuhumiyaw Ang aming mga bagwis ay kumakampay Aming mga tinig ay umaawit Pakinggan aming munting hiling at tinig Buksan ang tarangkahan para sa amin
Sapagkat kami man ang walang kwenta Sa inyong mga mata Kami ang totoong nagmamalasakit sa bayan Kami ang handang ipaglaban ang bayan. Kami ang patuloy na sisigaw Upang kami’y inyong pakinggan.
Walang kwenta ngunit mahalaga. Walang kwenta ngunit kailangang tingnan. Walang kwenta ngunit may puso. Walang kwenta ngunit makabayan. Walang kwenta ngunit handang makipaglaban. Walang kwenta ngunit patuloy na sisigaw. Walang kwenta ngunit patuloy na kikilos. Walang kwenta ngunit makikibaka.
Kami ang kabataan na sumisigaw ng tinig. Tinig na kakatok sa inyong mga puso. Umaasa na pakikinggan niyo. At kami’y pagkatiwalaan. Pagkat tulad niyo. Mahal namin ang bayang Pilipinas.
You must be logged in to post a comment.