Pagmulat ng aking mga mata,
Liwanag ay aking nakikita.
Ngunit puso ko ay nasasakdal,
Umiiyak at hanap ka.
Kailanma’y di ka nawaglit,
Sa tuwina’y lagi kitang iniisip.
Umaasang ako’y iyong babalikan,
Alaala mo’y aking inaalala.
Lumipas man ang panahon,
Pag-ibig mo’y di mawaglit.
Sa panahong ako’y nalulungkot,
Inaalala ko iyong pag-ibig.
Buhay mo’y magpapatuloy,
Pagkat ikaw ang aking buhay.
Pagdating ng bukang liwayway,
Ngiti mo ang nais kong masilayan.
©️SnowHeart