Pighati ng Pag-ibig



Pakakawalan kita
hindi dahil sa di na kita Mahal.
Gagawin ko ito kasi
pagod na akong pigilan ka
sa iyong pag-uumalpas.
Ayaw kong nahihirapan ka
sa iyong pagpupumiglas.

Di baleng magulanit ang puso ko
wag lang ikaw.
Mas nanainisin kong makita kang masaya
sa taong pinili mong mahalin dahil siya ang magpapaligaya sayo.

Ingat ka Sinta ko!!!

Asahan mong wala ka ng babalikan at tatanawin na lang kita
mula sa aking balintataw.

Hangad ko ang masidhing pag-iibigan
niyong dalawa.

Pag-iibigang binuo niyo
nang tayong dalawa pa.
Pag-iibigang habang masaya kayo,,,
ito ako nagpapakalunod sa dilim
upang pighati na aking ninamnam
ay walang sinumang makakasilay.

Pagdadalamhating ako lang ang nakakaalam pagkat sa paningin ng madla ako ay isang masayahing nilalang na di makakaranas ng pighati sa buhay.

Pero, maling-mali ang nakikita niyo.
Pagkat ako ay isang abang artista na minsang nagpakatanga at naniwala sa mga pangakong binuo natin ng tayong dalawa pa.

Mga pangakong ikaw ang nangako
pero ako ang tutupad.
Tutuparin ko ang ating mga pangarap
na iba-ibang tao ang makakasalamuha natin. Asahan mong sa aking paglayo
hangad ko ay iyong kaligayahan.

Ganyan kita kamahal sinta ko.

May mga bagay na dapat mong pakawalan.
May mga bagay na dapat bitawan.
May bagay na di na dapat ipinaglalaban.
May mga taong pinahahalagahan mo na ng sobra nagagawa ka pang iwan.



#PighatiNgPag-ibig

Ako’y   Mangingibig

sunset hands love woman

Huwag kang matakot umibig
Mabigo ka man ng ilang beses sa pag-ibig
Lagi mong bubuksan 
ang tarangkahan ng iyong puso.

Hayaang papasukin ang taong banayad 
na kumakatok sa iyong puso.


Pagkat ang mithiin nito ay dalisay
Papatunayang pag-ibig niya sayo ay tunay
Huwag mag-alinlangan
Pagkat ikaw ay kaniyang aalagaan

Mga magandang alaala ang iguguhit
Para pusong sugatan ay maghilom ng pilit
Dadamhin ang samyo ng kasiyahan
Pagkat umusbong ang tunay na pagmamahalan

Hindi sa lahat ng oras ay kaligayahan
May mga sigalot na pag-uusapan
Para higit na mapagtibay ang pagmamahalan
Ng dalawang taong nagmamahalan

ⓒSnow Heart

Ang Aking Ina | Tagalog | Poetry

Ang aking Ina ang kaagapay ko sa tuwina.
Ang aking Ina ang nagsisilbing tulay ko,
Tungo sa daang matarik at madulas.
Nagsisilbing ilaw ko sa purikit na daan.


Saan man ako magtungo,
Siya ay laging nariyan.
Anuman ang sitwasyon,
Di niya ako iniiwan.


Kung ako’y nasa pighati,
Yakap at halik niya ay sapat na.
Para maibsan ang lungkot,
Na aking nadarama.


Pag-ibig ni Ina ay tunay,
At walang kapares.
Mahal niya ako,
At Mahal ko siya.