Alalahanin ang mga Magulang

Sa paglipas ng araw at panahon,
natanong mo na ba sarili mo kung kailan mo pinahalagahan ang mga magulang mo?

Nasabi mo na ba sa kanila ang mga katagang “Pa ,Ma ” Mahal ko Kayo!!

Kailan niyo pa sasabihin ang mga salitang yan at ipaparamdam pag di na nila marinig at makita ka.

Wag na nating antayin ang puntong yun, bawat oras at sandali ay mahalaga,

bawat sandali ay itrato nating huli

sapagkat

di natin alam kung hanggang kailan ang deadline natin dito sa mundo.

Porket napapagsabihan ka ng iyong magulang, di ka na niya mahal,
maging bukas po ang ating mga isipan at puso nais lang nila na tayo’y mapabuti.

Natatandaan mo pa ba kung gaano ka niyang katyagang tinuruang maglakad,
ibangon sa bawat pagkadapa mo.

At sa mga salitang namumutawi sa bibig mo na tanging sya lang ang nakakaintindi
dahil sa bulol mong pananalita,
magkagayon man matyaga pa rin syang ituwid ang pananalita mo
hanggang sa ika’y matuto.

Maging sa ating Ama kung gaano syang katyagang kargahin ka sa inyong pamamasyal,
unawain sa tuwing sinusumpong ka ng pagkairita mo at pasensyahan.

Kaya namang tayo’y malaki na,
huwag naman nating kalimutan
ang ating mga magulang,

ang nagbigay ng buhay sa atin,
suklian naman natin ang kanilang mga paghihirap,
para maigapang tayo sa hirap ng buhay para lang sa ating kapakanan…

Di sapat ang mga salitang I LOVE YOU para suklian ang kanilang paghihirap.

Alalahanin naman natin sila paminsan-minsan ipadama naman natin sa kanila kung gaano natin sila kamahal.

Pagmamahal ng Isang anak sa Kanyang Ama!

Di naman talaga ako Papa’s Girl. Pero nung makita ko ang tatay ko na umiiyak then he kissed on my forehead. Dun ko na-realize na kakaiba ang tatay He’s amazing.. Seeing him crying and ask for forgiveness and saying sorry to me for everything what he did. Nakakataba ng puso, wala namang dapat ipag-sorry ang tatay ko kasi di naman Niya kasalanan kung bakit hanggang ganito lang estado ng buhay namin ? Mahirap !!! Kasi alam ko ginawa Niya ang lahat para sa ikabubuti ng pamilya namin lalo na pagdating sa akin kasi solo nga ako…nag-iisa lang kaya super alaga siya pag dating sa akin kumbaga si mama ang queen at ako ang princess. Yung susunduin ako ng tatay ko at kakargahin para isampa sa bangka para di ako mabasa. Napaka-genuine ng tatay ko that’s why lalo kung minamahal siya. Nagka-edad ako ng 25 narinig ko sa inyo ang salitang mahal niyo ako, naiiyak ako nun kasi alam ko genuine yun. Dated yun January 1, 2016, kaya so thankful ko ng mga araw na yan. At sa kauna-unahang pagkakataon nasabi ko na din ang salitang Mahal na mahal kita “TA”…at kusa ng bumagsak ang luha sa aking mga mata. Dun ko na-realize na di ako dapat nagtatanim ng galit sa tatay ko, na dapat habang nabubuhay siya mahalin ko siya at lalo ko pang pahalagahan kasi , YOU ONLY LIVE ONCE.!!! Gusto ko pang mas marami memories kasama ang tatay ko. 😂😂😂…na sana hanggang pagtanda ko kasama ko pa rin siya. Nag-iisa lang siya sa buhay ko.

 -Sharing this thoughts of my man, the only one ANG TATA RIZAL ko, !!!

#PapasGirl

#missingYouTata

©Snow Heart