It is all about words. Your words are enough to shatter someone's heart. Your words are enough to make a broken heart unbroken. Words have the power to change your life perspectives.
Sa pagkakataong gusto mo nang sumuko,
Nakikita ko ang mga ningning sa’yong mga mata,
Mga ningning na siyang nagbigay ng pag-asa sa akin.
Pag-asang gusto kong imulat sa’yo na kayo ay may makakamit.
Mga pangarap niyo ay magliliwanag.
Maniwala ka!!!
Panghawakan mo ang mga pangarap mo.
Aalalayan kita sa daang gusto mong tahakin.
Hayaan mong ako ang maging ilaw mo.
Basta huwag ka lang sumuko.
Anuman ang sitwasyon.
Tutulungan kita sa abot ng aking makakaya.
Maniwala ka!!!
Papasa ka, ikaw, siya kayong lahat.
Inyong ilawan ay magniningning na parang mga bituin sa kalangitan.
Matatamo ang mga mithiing ninanais niyo sa isa’t isa.
Umaasa ako na kaya niyong mapagtagumpayan iyon.
Kayo ang Basilio sa Noli me Tangere na sumasalamin sa ating bayan.
Ang pag-asa ng bayan na gaya ng sabi ni Dr. Jose Rizal.
Nagmamahal,
Iyong Guro
Kaygandang pagmasdan ang mga bangkang naglalayag sa dagat. Tila ba nag-uusap sila at nagkakaunawaan. Habang pinagmamasdan ko ang bangka, Bigla akong napatanong sa aking sarili, Saan patungo ang bangkang iyon? Tila ba hindi niya alintana ang kanyang susuungin.
Sa kabilang dako ng aking isipan, Saan nga ba patungo ang buhay ko? Ang araw ay sisikat sa Silangan, At lulubog sa kanluran. Gigising sa umaga At tutulog pagdating ng gabi.
Hindi gaya ng isang bangka, Patuloy na naglalayag sa dagat, Banayad man at masungit ang dagat, Ang bangkang iyon ay nanatiling matatag. Hindi alintana ang lakas ng alon, Bagkus nagpaubaya at nagpatianod nalang.
Gaya ng buhay, Na sa bawat pagsubok, Manatiling matatag at lumaban. Hindi basta susuko, Sapagkat ito ay magiging sandata, Sa mga hamon sa buhay.
Hindi sa lahat ng pagkakataon tayo ay nasa pighati, Maging bukas upang harapin ang umaga, Marahil ito ay hindi kasing-ganda, Ito naman ay umpisa upang makita ang pag-asa, Kung sa pagkatapos ng ulan ay may bahaghari, Mayroong Diyos pagkatapos ng sakit at pighati.
Ang paglalayag sa dagat ay pangarap ko, Ito ang susubok sa tatag ng aking pakikibaka sa buhay. Ang dagat at ang bangka ang buhay na kinagisnan ko, Upang maging matatag at matapang, Dito ko napatunayan na ang pag-abot sa pangarap ay nangangailangan ng tapang at tiyaga. Makibaka para sa pangarap.
Patuloy akong maglalayag tungo sa aking pangarap, Upang silayan ang ganda ng mundo, Upang suungin ang gabundok na alon, Upang maging matapang at matatag, Upang iahon ko ang aking pamilya sa abang buhay, At ibigay ang maaliwalas na buhay sa kanila.
You must be logged in to post a comment.