Patawad

Patawad sa aking nagawa,
Sana ako ay iyong pagbigyan.
Patawad sa aking tinuran,
Sana ako ay iyong pakinggan.

Bugso ng aking damdamin,
Naghuhumiyaw at nag-uumalpas.
Huwag kang pabayaan,
Pakamahalin at unawain.

Ngunit ano itong aking nagawa,
Hinayaan kong ikaw ay masaktan.
Pagtangis mo’y aking isinantabi,
Bugso ng damdamin ako nagpadala.

Pag-ibig mo ay naglaho,
Na parang bula.
Nasaktan kitang labis,
Kaya ikaw ay naglaho.

Ngunit, bakit ngayong wala ka na,
Ako’y nangungulila sayo.
Hinahanap ko lalo pag-ibig mo,
Umaasa na babalik ka sinta.

Patawad sa aking nagawa,
Sana ay masaya ka.
Saan ka man naroon ngayon,
Ako’y lubos na nangungulila sayo.

Patawad Kung Ako ay Bibitaw na!



Hindi ako bibitaw!
Mga linyang paulit-ulit kong tinuran sa’yo.
Hindi ako bibitaw sa TAYO na binubuo ng IKAW at AKO.
Hindi ako bibitaw!
Kahit pagod na pagod na ako.

Pagod na pagod na akong unawain ang bawat sandali na tayo ay magkapiling.
Di ko alam kung may panghahawakan pa ba ako sa tayo.
Di na ito maningning gaya ng binubuo pa natin ang tayo.
Ang saya ng bawat sandali na iyon.

Pero, mahal anong nangyari sa tayo?
Tila napabayaan na ito.

Wala na ang kislap di na ito maningning.
Ang saya ay napalitan na ng lungkot.
Tila ba nanawa na ang ikaw at ako, nais ng mapag-isa.
Anumang pilit unawain ang sitwasyon.
Tadhana na ang nag-aadya na di na tayo para sa isa’t isa.

Wala na. . . !

Di na masaya ang tayo!
Di ko alam kung bakit?
Mahal sana sabihin mo sa akin.
Anong nangyari sa tayo?
Handa akong bumitaw sa tayo.
Kung saan ka liligaya.

Gustuhin ko mang panghawakan pa ang mga pangako ko sayo na hindi ako bibitaw.
Ngunit, paano?
Nakakapagod.
Kahit di mo man sabihin sa akin.
Sapat na ang bawat kilos na pinadarama mo.
Di ka na masaya!

Patawad kung ako ay bibitaw na!
Patawad kung
di ko mapanghahawakan pa ang tayo.
Di man tayo ang tinadhana para sa isa’t isa.
Di ko naman pinagsisihan na nakilala at minsang nabuo ang tayo.
Di ko pinagsisihan ang araw na bumukas ang bintana at sumilay ka kasabay ng iyong ngiti.

Masaya ang sandaling iyon.
Sa iyong pagdating walang sinuman ang makakatumbas sayo.
Nag-iisa ka yata sa mundong ito!

Lahat ng ito ay aking aalahanin na lamang na minsan sa buhay ko naranasan ko ang lumigaya sa piling mo mahal.
Batid ko namang ayaw mo na.
Salamat sa bawat sandali na pinangiti mo ako.

Malaya ka na mahal.
Makakaasa kang di na kita gagambalain pa.
Mahal ipangako mo sa akin.
Na saan ka man magawi,
alagaan mo sana ang iyong sarili.


Huwag ka ng bumalik pa at lumingon pa.
Paalam!!!