It is all about words. Your words are enough to shatter someone's heart. Your words are enough to make a broken heart unbroken. Words have the power to change your life perspectives.
You know the feeling of missing someone you really missed him but you have nothing to do but to stare on his picture remembering those memories and suddenly your tears are silently flowing like a fountain you we’re dreaming hoping that he will coming back hugged you and kissed you But it won’t happened again
Coz
You’re on the point that you can’t owe him anymore Because he was owned by someone and they’re live together happily
Pagtangis ko’y gaya ng tubig sa ilog rumaragasa at di mapigilan dahil sa iyong pamamaalam!
Pilitin ko mang pigilin ngunit lalong masakit impit ng aking pag-iyak ay naghuhumiyaw at umalingawngaw mga luha’y umagos nang tuluyan
Naaalala ko yaong mga kalinga mong tunay pag-aalaga mong sapat at walang makakatumbas kargahin ako sa iyong mga likod tuwing malayo ang lalakarin
Inaako mo yaong mga kapilyuhan kong gawa handa mong iharang iyong sarili sa patpat ni Ina na parusa sa akin mga luha ko’y iyong tinutuyo tinuturuan mo akong bumangon sa aking pagkakamali at pagkadapa nagsilbing aking ilaw sa karimlang piit
Ikaw, ang aming pinuno pagsapit ng gabi kami‘y iyong tinitipon banig ay ilalatag sa munting veranda gasera ay sisindihan at magsisilbing ilaw matiyaga mo kaming tuturuan sa mga takdang aralin lahat kaming iyong kahiramang suklay upang maunawaan bawat aralin
Inatang sa iyong gawain ni AMA at INA wala akong narinig na kahit anong daing dakila ka para sa akin maging sa kanila walang maisumbat maging ang sinuman pinaghuhusayan mong husay makamit lamang ang bawat tagumpay maparisan naming mga magkakapatid
Saan ka mang dako ngayon hiling ko sana patuloy mo kaming gabayan ituwid sa aming landas at iilawan aming daraanan upang kami’y di maparam sa aming tinatahak nangungulila ako sayo aking kuya nasa piling ka na ng Maylikha kung saan ang dusa at sakit ay wala na
Mananatili ka sa aming alaala ilang araw at mga taon man ang lilipas nakaukit yaong mga alaala na parang mga perlas kong ituring alaalang aking pinanghahawakan ang tangi nating larawan na di kukupas kailanman!!!
Hanggang sa muli ng ating pagkikita!!!
Bakit dalampasigan? Paboritong lugar namin iyan. Tumatakas pa kami tuwing tanghali pinapatulog kami tuwing tanghali pero nandiyan kami naglalangoy. Ang sarap lang maging bata ulit. Yung puro saya lang ninamnam bawat sandali, bawat laro. Kahit masakit mga palo ni Ina di naman mapapalitan ang mga sayang dulot habang naglalaro ka kasama ng mga kalaro mo. Tama na nga ito. Naiiyak lang ako ulit, totoo habang ginagawa ko ito luha ko’y di na mapigil.
You must be logged in to post a comment.