Buhay ay Parang Hagdan

Ikaw? Nasubukan mo na bang umakyat ng hagdan, di ba nakakapagod? Akyat panaog ka para tunghayan ang buhay mo kung saan patutungo. Sa pag-akyat mo sa hagdan paitaas gaya ng buhay, sa itaas mo makikita mo ang liwanag ng kasiyahan at kaginhawaan. Samantalang kung baba ka naman naroon ang kadiliman na sigurado ako, na kahit ikaw mismo ay ayaw mong maranasan ang kalungkutan at kahirapan.

Dito sa mundong ibabaw hindi lahat ng bagay nakukuha mo nang mabilis o hindi mo pinaghihirapan. Kailangan mong mag-aral ng mabuti para makakuha ka ng mataas na marka o maipasa mo ang bawat asignatura. Kailangang magbanat ng buto, magtiis sa iyong boss lalo na sa mga katrabaho mong dinaig pa ang imbestigador sa pangingialam sa iyong buhay. Kung ikaw naman ay isang guro, kailangan mong magpuyat gabi-gabi para maghanda ng mga lektyur na tatalakayin sa klase. Hindi lang yan, kailangan mo ring pagtyagaan at habaan ang iyong pisi sa mga estudyante mong may tagalay na kakulitan at katamaran sa paggawa ng mga takdang-aralin,proyekto at portfolio. Ganyan ang buhay kailangan nang mahabang pasensya at pagtiyaga para isakutaparan ang iyong mga nais sa buhay. Mahirap man sa umpisa ngunit kalaunay masasanay ka rin at matutong makiayon sa saliw ng musika.

Kaya ikaw na habang estudyante ka pa eh tinatamad ka na, Aba! Mag-isip-isip ka na!!! Hindi sa lahat ng panahon kasama mo ang iyong mga magulang. Huwag kang masanay na laging nandiyan sila. Kasi dito sa mundo walang permanente lahat nagbabago at naglalaho. Kaya magsumikap para sa ikakabuti at ikakatupad ng mga minimithi mo sa buhay.

Huwag kang matakot na humakbang paitaas. Hindi mahirap ang humakbang paitaas bagamat nakakapagod kailangan mong paglabanan ang nakakapanghina ng loob sa iyong paghakbang. Isipin mo na lang sa pag-akyat mo sa hagdan paitaas naroon ang liwanag ng iyong pag-asa. Liwanag na siyang magiging ilaw mo sa madilim na kinasasadlakan ng kahapon. Kaya huwag kang titigil sap ag-akyat hanggang sa marating mo ang minimithi mo sa buhay. Tiyak ako na pagnaabot moa ng tugatog ng tagumpay walang hanggang pasasalamat ang iyong masasambit sa Poong Maykapal. Kaya kung ako sayo huwag mo nang hangarin pang pumaibaba. Naiisip mob a kung anong buhay ang naghihintay sayo sa ibaba? Naroon ang kalungkutan at pighati na ayaw mo nang balikan kaya humakbang ka paitaas at pagkatiwalaan ang Poong Maykapal.

Syempre kung ako ang iyong tatanungin, mas gugustuhin kong umakyat paitaas para isakatuparan ang aking pangarap at mga minimithi sa buhay lalo na sa aking pamilya. Nanaisin kong maghirap sa simula kung kapalit naman nito ay kaginhawaan ng buhay ng aking pamilya at ng aking sarili.

Ikaw? Saan ka patutungo?

Sanaysay| Entablado ng Pag-ibig

Paano bang magmahal ng di nasasaktan? Katanungang madalas sumagi sa aking isipan. Marahil ilan sa atin ang gustong pasukin ang mundo ng pag-ibig o di naman kaya napasok na ng iba??? Ika nga sabi ng karamihan ang mundo ng pag-ibig ay parang isang malawak na entablado, nariyan yung pasisiyahin ka, malulungkot ka at kung anu-ano pang eksenang iyong masasaksihan.?

Sa huli,

Ikaw pa rin ang magdedesisyon para sa sarili mo. Ikaw pa rin ang magiging direktor sa buhay na gusto mong naisin.

Gaano ka man kaingat magmahal, di pa rin maiwasang di masaktan. Minsan nasasaktan ka kasi nagdesisyon ka kung ano sa tingin mo ang tama, mahirap tanggapin sa una na pinakawalan mo ang taong nagbigay kulay sa buhay mo, minsang pinaligaya sa panahon ng iyong pighati. Pero kalaunan, ayan at nakakangiti ka na namang muli, hinaharap na naman ang bawat umagang puno ng pag-asa, mga unos ng buhay na dapat kakaharapin. Handa ka na ulit magmahal, hilom na ang sugat na sanhi ng kahapon, ngayon handa ka na ba ulit pasukin ang entablado ng pag-ibig.

Simple lang, walang masama kung susubukan ulit, iba-iba ang bawat kwento, at sa bawat kwento ay may kaakibat na leksyon. Aral na dapat nating gamitin sa pang-araw-araw natin na buhay, para higit nating mapagyabong ang ating sarili at lalong tumapang pa sa mga unos na kakaharapin.

Sa bawat sakit o sugat, di kailangan ang oras at panahon para gumaling minsan sapat na tao lang gagaling na.

Maging positibo kung nais mong pasukin ang mundo ng pag-ibig, madapa ka man bumangon ka ,ayusin ang sarili mo at lumakad ka ulit hanggang sa masumpungan mo ang mundong tutugma sa buhay mo.

Pamilya

Pamilya ang yaman na mayroon ako, di kami mayaman na gaya ng inaakala ng marami. Ang tanging yaman na alam kong mayroon kami ay ang pagmamahalan namin sa isa’t isa. May mga di pagkakaunawaan kami pero alam ko kinakaya namin ito anuman ang sitwasyon. Minsan akala ko pinaparusahan kami ng Maylikha kapag nakakaranas kami ng mga mahihirap na sitwasyon. Ngunit salamat at lahat ng iyon ay may nais na iparating ang Maylikha upang higit na mag-igting ang pag-ibig namin sa isa’t isa at magkaisa sa oras ng pighati.

May mga pagkakataon na tinatanong ko ang Panginoon sa mga problemang dumarating sa amin. Minsan pa nga dumadating ako sa puntong nagdududa ako sa kanya kung totoo na talaga siya o isa lang siyang imahinasyon. Subalit lagi niyang pinaparamdam sa akin ang pag-ibig sa tuwing ako ay nasa sitwasyong yaon.

Ako at ang aking pamilya ay tahimik na namumuhay sa isang nayon ng payak at masaya. Sinusuong gaano man kahirap ang mga problema ng sama-sama at matagumpay na kinakaya sa tulong ng Poong Maylikha.