Mag-isa Ulit

Masaya ako noong wala ka
Higit na naging masaya
Nang dumating ka
Pumailanlang sa alapaap
Ang pag-ibig na nais
Walang pagsidlan ang galak

Umasa ako na walang hanggan
Ang pag-ibig na binuo natin
Mga alaalang hinabi natin
Pangarap na ating tinupad
Nang tayo ay magkapiling
Sa pag-asang Ikaw at Ako

Ikaw at Ako na naging Tayo
Sa paglipas ng panahon
Higit na naging matibay
Mahalaga ang bawat sandali
At walang pinalagpas na panahon
Sinulit ang bawat sandali.

Takot ako na mag-isa ulit
Takot ako na baka di na sapat
Takot ako na baka di na sulit
Takot ako na baka di na ako ang dapat
Takot ako na baka magsawa ka na
Takot ako na ang mawala ang halaga ko sayo

Ngunit kahit anong gawin ko
Dumating tayo sa puntong kinatatakutan ko
Ayaw kong mangyari ngunit inadya
Tadhana ang gumuhit ng palad
Para sa ating dalawa
Gumuhit ang sakit at dusa

Higit na masakit sa inaakala ko
Hindi ko kayang mawala ka
Hindi ko kayang di kita masilayan
Sa bawat umagang inaantay natin araw-araw
Hindi ko kayang pagmasdan
ang paglubog ng araw na wala ka

Paano ko ipagpapatuloy ang buhay na wala ka?

Ikaw ang naging bahaghari
Sa buhay kong kaylumbay
Ikaw ang nagsilbing liwanag
Sa buhay kong nasa piit ng karimlan
Ikaw ang nagsilbi kong gabay
Sa buhay kong walang patutunguhan.

Ngayon, Paano na???

Di ko alam kung paano ang mag-isa ulit.

Bibitaw na Ako

Ayoko sanang bumitaw,
Gusto ko sanang tuparin mga pangako ko sayo.
Batid ko rin na ayaw mo nang maghintay.
Alam ko mga pagkukulang sayo,

Ngunit wala akong magawa,
Kundi iadya ang lahat ng ito sa Maylikha.
Alam ko na sa bawat pananatili mo.
Umaasa ka na masilayan ako.

Ngunit mailap ang tadhana sa atin.
Pilit tayong pinaglalayo.
Laging humahadlang ang bawat sandali,
Na nais nating magkapiling.

Natakot ako na baka mapagod ka.
Natakot ako na bumitaw ka.
Natakot ako na di na kita masilayan pa.
Pero mas natatakot akong
di kita makasama habambuhay.

Natakot akong di matupad ang mga pangako ko sayo.
Pero mas takot akong masumpungan mo ang tunay na ligaya sa kanya.
Natatakot akong kapag handa na ako.
Masaya na ikaw sa piling niya.

Kaya ngayon palang bibitaw na ako.
Bibitaw na ako sa mga pangako nating dalawa.
Pangako nating dalawa na ikaw at ako.
Tayo hanggang sa huli.

Wala na ang salitang tayo.
Wala ng ang ikaw at ako.
Maaaring sa kanya ka lumigaya.
Sa kanya masusumpungan mo ang tunay na ligaya.

Ligayang ninanais mo noon pa man.
Kaya malaya ka na,
hanapin mo na ang iyong ligaya.

#Bibitaw
#HahayaanNaKita
#BrokenHearted
#Pag-ibig
#IkawAtAko
#WalangTayo
#MalayaKaNa

-WordSnow Heart