Ang Aking Ina | Tagalog | Poetry

Ang aking Ina ang kaagapay ko sa tuwina.
Ang aking Ina ang nagsisilbing tulay ko,
Tungo sa daang matarik at madulas.
Nagsisilbing ilaw ko sa purikit na daan.


Saan man ako magtungo,
Siya ay laging nariyan.
Anuman ang sitwasyon,
Di niya ako iniiwan.


Kung ako’y nasa pighati,
Yakap at halik niya ay sapat na.
Para maibsan ang lungkot,
Na aking nadarama.


Pag-ibig ni Ina ay tunay,
At walang kapares.
Mahal niya ako,
At Mahal ko siya.

NANDITO PA RIN AKO SA DATI NATING TAGPUAN!

Darating pero di nagtatagal,
Lilikha ng mga alaala.
Panandaliang sisilay ang mga ngiti,
Susulyap ang maningning na pag-ibig.

Panandalian lamang ang pag-ibig,
Na akala mo panghabambuhay.
Nabulag ang iyong puso,
Umasa na siya ay magtatagal.

Ngunit siya ay lumisan,
Iniwan kang nag-iisa.
Ayaw lisanin ang lugar
Na kasama siya.

Umasa na siya ay babalik,
Naghihintay sa walang kasiguraduhan.
Pinaniniwala ang sarili,
Na anuman ang mangyari babalik siya.

Maghihintay………..
Hanggang Kailan?????
Panahon ay nagbabago,
Sana ganoon rin pag-ibig ko sa’yo.

Hanggang kailan aasa?
Babalik ka pa ba?
Marahil ay di na….
Nasaan ka na???