
Tutuyuin ko ang iyong mga luha na sanhi ng sakit na iyong nararamdaman kahit na alam kong siya ang dahilan ng iyong pagtangis saksi ako kung paano mo siyang minahal saksi ako sa mga ginagawa mo para sa kanya mapatunayan mo lang ang pagmamahal mo sa kanya na iniaalay mo Bulag ba siya at di ka niya makita O di kaya marahil, malayo ang kanyang tanaw at di ka niya pansin sa kanyang balintataw Gayunpaman,,, Ikaw ay di sumusuko kumakapit sa katiting na pag-asa na ikaw ay mapapansin niya Akong laging narito sayo laging nasa tabi mo Kailan mo kaya ako mapapansin Kailan mo mapapansin ang aking pagtangis na ikaw ang dahilan dahil siya ang mahal mo dahil mga mata mo ay sa kanya napako dahil patuloy kang umaasa sa kanya Kailan mo tutuyuin ang aking mga luha kailan mo bibitawan ang katiting na pag-asa para sa kanya at lingunin nalang ako hawakan ang aking mga kamay magpatuloy sa ating mga buhay na tayo ang magkasama Umaasa akong makita mo ang halaga ko sayo Nang sa gayon ay mapakawalan mo ang lahat ng sakit na dinaranas mo matukoy mo ang kahulugan ko sayo Huwag mo sanang hayaan na na mapagod ako at kusang umalis sa mga tabi mo upang iwan ka at hayaan ka nalang. Kung nasasaktan ka higit akong nasasaktan. Hiling kong makita mo iyon at buksan ang pintuan sa’yong puso Hayaan mo sanang pakinggan aking mahinahon na katok at ako’y iyong papasukin Upang mga luha mo’y aking tutuyuin.
You must be logged in to post a comment.