Sa aking pag-iisa Ikaw ang aking hanap Tinatanaw kita sa malayo Umaasa na masumpungan kita Sa pagsapit ng dilim Kasabay ng lungkot Kusang umaagos mga luha Pinapaalala bawat sandali Mga kahapong tayo ay maligaya Kahapong puno ng pag-asa At mga pangarap natin Na sabay nating tinupad Ngunit dumadating tayo Kung saan ang tayo Ay mawala nalang At magiging ikaw at ako Sa dapithapon ay ako nalang Malungkot ngunit kailangan Para ako’y maging matatag Pagkat ako’y iniwan mo na. Yumao ka na kapiling ng Maylikha Sa iyong paglisan Sambit mo mga katagang Ikaw pa rin sa huli. Ang dapithapon ay dumating na Lagi kitang naaalala sa tuwina Hinahanap ng aking mga mata At maging ng aking puso. Hanggang sa muli ng ating buhay Tayo ay magkikitang muli At muling magkakapiling Hanggang sa dulo nang walang hanggan!
You must be logged in to post a comment.