Umibig, Umasa, Nasaktan!!Nagparaya!!

alone buildings city cityscape
Photo by Pixabay on Pexels.com

 Mas naiisin mo pang ikaw ang magdusa kaysa sa manira ng pamilya.

Kala ko Ikaw na..!!! Kala ko Ikaw na talaga. Pinaramdam mo sa akin kung gaano ako kahalaga. Pinaramdam mo sa akin kung ano ako sa buhay mo. Matiyaga mo ako tinetext ng ” Good Morning with smiley pa πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚ ” ,afternoon and evening ,ganyan ka…Hahaha…Free time ka pag dating sa akin…Kahit text lang ugnayan natin noon , napapangiti mo ako, Oo…Lihim mong nakikiliti ang puso ko noon. Masaya ako pagnagtetext o tumatawag ka sa akin. Excited ako na buksan ang cellphone, excited ako na pangalan mo ang makikita ko sa screen.

Hanggang sa…di ka na nagparamdam 1, 2,3 days, hanggang sa naging linggo at buwan. Nasa isip ko noon, siguro nagsawa ka, napagod na, ika nga sabi mo paasa ako. Pero hindi eh…noong mga panahong iyon takot akong aminin sayo na mahal kita…Takot ako na baka magbago ka, takot ako na sa umpisa ka lang mainam. Nangibabaw ang takot sa akin kaysa pagmamahal mo sa akin…Oo duwag ako, alam ko naman iyon. πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚ Labis akong nangulila sayo noon, ang dami kong sana inamin ko na sayo noon pa . Wala nang magagawa pa ang aking SANA nangyari na ang bagay na kinatatakutan ko.

Aaminin ko, Oo umiyak din naman ako noon at sinisi ang sarili ko. Simula noon wala na akong balita sayo, nagpalit ka na rin ng numero, nakakatuwang isipin na mas memoryado ko pa ang numero ng cellphone mo kaysa sa Nanay ko. Sinubukan kong tawagan kita. Pero wala, out of coverage ka na…πŸ˜‚πŸ˜‚…Di kita ma-reach.. Totoo sobra akong nalungkot at nangulila sayo noon. Kaya nagpasya na ako noon na tumigil na sa kakapantasya sayo na babalik ka rin at magpaparamdam. πŸ˜‚πŸ‘Š Mabilis ba nakamove-on? Hindi nga eh. .sobrang hirap pala , kaya ginawa ko ang dapat nagpaka-busy ako. Yung tipong tutulog nalang ako at kinabukasan work mode na….Hahaha….Parang timang lang, pinarurusahan ko lang pala sarili ko…Bakit ko pa kailangang gawin iyon, simple lang naman kasi eh….Kung di talaga siya para sayo, Hindi !!! Wag na ipagpilitan pa ang mga bagay na di naman talaga pwede. Masakit Pero tinanggap ko para sa sarili. Okey na ang LAHAT…Yes …naka-move on na si Besh….hahaha…nakakangiti na ulit, nagiging makulit na si ako….siglahin na ulit ako pero emotera pa din….Yes, Ang strong ko…πŸ˜‚πŸ‘Š

Okey na , saka ka naman nagparamdam … New number calling sa screen ng phone, nagtatakang akong sinagot ang phone, boses pa lang alam na alam ko na , ikaw iyon… Ikaw na mangiyak-ngiyak sa kabilang linya… Tinanong kita kung , Bakit? Nag-flashback LAHAT sa akin, Kung kaharap lang kita di ko alam ang gagawin sayo…. Hahaha…Kala ko hihingi ka ng tawad kasi di ka nagparamdam, Mali pala ako,…. Sasabihin mo lang pala sa akin na may nabuntis ka, na mag-aasawa ka….!!! Nakakagalit , so anong gusto mo babatiin pa kita ng CONGRATULATIONS!!! Nangingilid na ang mga luha noon sa aking mga mata. Pinipigilan kung umiyak. Sabi mo di mo siya Mahal , kasi ako ang Mahal mo…..Naku!!! Ibang usapan na pag ganyan… Huwag mong takbuhan ang responsibilidad mo sa kanya. Di ba? Yun naman ang dapat, Hindi yan PAGKAKAMALI. Destiny yan na makilala mo siya. Mahalin mo rin siya higit pa sa pagmamahal mo sa akin. Higit na mararamdaman mo ang saya pag kapiling mo siya Lalo na at magkaka-anak na kayo… Blessings Yun….tanggapin mo nalang na kahit kailan di magiging tayo, naging parte lang ako ng buhay mo. Mas masaya kapag pinanindigan mo siya. Mas mahirap at masakit kapag nagdesisyon ka na takbuhan mo sila , pagsisihan mo yan habambuhay. Yan ang mga litanyang binitawan ko sayo noon. Mukha namang naliwanagan ka at sinunod mo ako. Nag-sorry na rin sa ginawa mo sa akin…nakaka-stress free..Kahit mangiyak-ngiyak ako nung gabing iyon. Magaan sa pakiramdam na alam kong ginawa ko ang TAMA.


Nasaktan ka man, alam mong may pamilyang masaya dahil sa desisyon mo..


2 Comments

  1. SnowHearT says:

    Eh….ganoon talaga 🀣🀣🀣

    Like

  2. Jan Paul says:

    Saklap naman non

    Liked by 1 person

Leave a Comment

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.